Advertisers
NAMUDMOD ng malaking halaga ng salapi at bigas si Presidential candidate at boxing icon, Manny Pacquiao sa mga mamamayan na naging biktima ng pagsabog ng Taal Volcano nang bumisita ito kamakailan sa bayan ng Balayan, Batangas.
Ang ayuda na ipinamahagi ni Senador Pacquiao ay mula sa kanyang sariling bulsa, sa kanyang pakipagbasagan ng mukha sa mga banyagang boksingero.
Hindi inalintana ang putok sa kanyang mukha, bugbog at sakit ng buong katawan sa pakikipagtagisan ng lakas sa lonang parisukat para lamang matulungan ang mga Batangueño na nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal at higit na nangangailangan ng kanyang kalinga.
Napakahaba ng pila ng tao na sumalubong sa Pambansang Kamao sa mga pangunahing lansangan habang patungo ang grupo ng senador sa Poblacion Balayan.
Umabot pa sa mahigit sa 7,000 katao ang nagsiksikan sa Balayan covered court na nagpakita ng suporta kay Pacquiao, kabilang dito si 1st District Congressional candidate Lisa Ermita.
Si Lisa na lalong kilala sa tawag na Ate Lisa at anak ni dating Executive Secretary Eduardo R. Ermita ay kaisa ng bantog na Senador sa adhikain nitong matulungan ang kanilang mga kababayan.
Hindi man kasingyaman ng bilyonaryong 8-Division World Boxing Champion si Lisa Ermita, ay tumutulong naman ito sa kanyang mga kababayan sa abot ng kapasidad at kaalaman.
Hitik sa karanasan sa serbisyo publiko si Lisa , bunso sa apat na magkakapatid na anak ni retired AFP Lieutenant General Ed Ermita.
Ang matandang Ermita ay ilang beses ding nanungkulang kongresista sa Unang Distrito ng Batangas bago ito nahirang sa gabenite nina dating Presidente Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.
Kaya sa pagreretiro ng kapatid nitong si out-going 1st Dist. Congresswoman Ailen Ermita, ay si Lisa ang napisil ng pamilya Ermita na magpatuloy ng sinimulang serbisyo publiko ni Ed Ermita.
Samantala, bagamat gwardiya-sarado ng mga miyembro ng kapulisan at barangay official ang Balayan Covered Court, ay nagsiksikan pa rin ang mga mamamayan na sabik na makita ang kanilang idolong senador na may pasalubong na bigas at tig-iisang libong piso kada rehistradong Taal volcano victim.
Ang maagang aginaldo para sa lahat ay pangkaraniwang ginagawa ni Pacquiao simula pa noong taong 2011.
Perang mula sa pawis at dugo ni Pacquiao ang kanyang ipinamimigay, hindi mula sa kaban ng gobyerno, hindi mula sa pagnanakaw at pagpapatubo sa bakuna, protective equipments tulad ng face mask at face shield at mga medical equipment at supplies.
Hindi rin ito mula sa nakupit sa kontrobersyal Social Amelioration Program o SAP at lalong hindi mula sa pinagbentahan ng mga Isla at bahura sa West Philippne Sea (WPS). Hindi rin galing sa porsiyento mula sa mga kontratista ng government infrastructure project ang salaping ipinamumudmod ni Pacquiao.
Ang salaping bukal sa loob na ibinabahagi ni Pacquiao sa kanyang mga kabababayan ay dukot-bulsa at hindi nakuha lamang sa panggagantso at pakipagkutsabahan sa mga tuso, ganid, mapanlamang na Intsik kayat walang maipupukol na putik ang sinuman sa mukha ni Pacquiao.
Kayat talbog ang akusasyon sa senador ng kanyang mga karibal sa pulitika na electioneering daw ang ginagawa ni Pacquiao. Prediksyon naman ng dati nitong kaibigan na Narvacan Mayor Chavit Singson ay mauubusan daw ng pera si Pacquiao kapag ipinagpatuloy nito ang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa. Galit na galit si Singson kay Pacquiao pagkat di marahil madiktahan at malinlang ang dating matalik na kaibigan?
Hindi naman masamang mangarap ang taong sa tuwina ay inaakusahan ng kanyang mga kriitiko at mga naiinggit sa kanya na ito ay walang muwang sa pulitika, pagpapatakbo ng gobyerno at di kayang pamunuan ang mga Pilipino.
Ang mga utak talangka lamang na kalaban ni Pacquiao sa pulitika lalo na yaong mga abogadong pulpol at mga nagmamarunong lamang ang nakapagsasabi nito.
Taliwas ang mga akusasyon kay Pacquiao ng mga banyagang educator at mga scholar na nag-imbita kay Pacquiao para maging panauhing tagapagsalita sa Oxford at Cambridge University parehong nasa United Kingdom noong 2018.
Tanging tinatagurian ding patay-gutom na si Pacquiao ang nag-iisang Pilipino ang nagkaroon ng karangalan sa kasaysayan ng ating lahi na naimbitahang maging panauhing pandangal sa dalawang pinakasikat at prestihiyosong pang-international na pamantasan.
Sabik at gilalas ang mga tagapakinig sa naging karanasan at pananaw sa buhay ni Pacquiao, nagsilbing ding hamon at inspirasyon ang talumpati ni Pacquiao sa mga nagsidalong propesyonal at kabataan sa mga naturang unibersidad.
Naipagmalaki ni Pacquiao na ang taong kabilang sa mahirap sa pinakamahihirap na tulad niya ay kayang maabot ang pangarap sa pamamagitan ng pagsisikap, pananalig sa Diyos at matatag na determinasyong makaahon sa kahirapan.
Ayon pa kay Pacquiao wala nang hihirap pa sa isang maging korap, magnakaw ng kwarta ng bayan, nakipagsabwatan sa high profile na drug lord, at maging tuta, bayaran at mga kurakot, magnanakaw at mga pulitikong ang sinasanto ay mga Intsik at masalaping dayuhan.
Kaya mga KASIKRETA saan tayo papanig sa mahirap na nagsikap, gumugol ng dugo at pawis para yumaman, nagtagumpay at sumikat at tumutulong sa kapwa sa mga Pinoy o sa pulitikong bilyonaryo, bolero na, ay korap pa?
***
Para sa inyong komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com