Advertisers
MAKAKASAGUPA ni Filipina warrior Jenelyn Olsim ang Malaysian na si Jihin Radzuan sa Women’s Atomweight Grand Prix alternate bout sa undercard ng ONE Championship — “Nextgen ll” sa November 12, 2021 sa Singapore Indor Stadium sa Singapore.
Dapat na makalaban ni Olsim ay ang undefeated American na si Grace Cleveland na isa sa dalawang Grand Prix alternate bouts sa all-Women show ONE— “Empower” subalit si Olsim ay naiwan na walang kalaban matapos umatras si Cleveland dahil sa kalusugan.
Ang 24-year-old Olsim ay nagwagi ng back-to-back fights kontra Maira Mazar at Bi Nguyen sa kanyang dalawang laban sa ONE cage.
Si Olsim ay nagsimulang lumaban locally sa Underground Battle at sumabak sa World Series of Fighting bago pumasok sa ONE’s developmental league,ONE Warrior Series.
Samantala, si Radzuan ay seven-fight veteran sa ONE Championship. nagsimulang matikas sa ONE na may tatlong sunod-sunod na panalo.
Nalasap ni Radzuan ang kanyang unang career defeat sa 2019 matapos ang split decision sa kamay ng Filipina Gina Iniong.
Huling lumaban si Radzuan noong 2020, nang gibain si Nguyen by unanimous decision.
Olsim ay 5-2,habang si Radzuan ay 6-2.
Sa main event ay tampok ang Muay Thai bout sa pagitan ng Thai stars Saempetch Fairtex (123-16-1) at Rittewada Petchyindee (65-19).