Advertisers

Advertisers

Piolo-Shaina at Raymart-Jodi nag-double date sa Bohol

0 225

Advertisers

Ni JULIET Q. PACOT

BUMALANDRA sa social media ang sandamakmak na litrato habang magkasama at sweet sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual.

Sila na nga ba? Ito ngayon ang tanong ng netizens sa mga litrato na ilang beses namataang malambing sa isa’t isa sa tila bakasyon ng dalawang Kapamilya stars sa Bohol.



Una na rito ang litrato na makikitang mahigpit ang yakap ni Piolo kay Shaina habang nakaupo sa pool table sa isang recreational area na ang bubong ay may disenyong nipa hut.

Tila foursome ang date dahil andun din ang magsyotang sina Raymart Santiano at Jodi Sta. Maria.

Apat silang magkakasama at  matamis din ang pagkakangiti roon nina Piolo at Shaina.

Hindi malinaw kung sadyang magkakasama silang apat nang magpunta sa Bohol pero malinaw na nagka-bonding sila sa resort.

May isa pa kasing litrato si Shaina na kasama si Jodi at dalawang non-showbiz na babae.



Hindi kaila na higit isang taon, o noong September 2020, unang kinumpirma ni Raymart ang relasyon nila ni Jodi.

Low-key ang dalawa at hindi gaanong nagpo-post sa social media.

Hindi rin kaila ang relasyon nina Piolo at Shaina sa isang kuha naman sa isang motorboat habang magkatabing nakahiga.

Nakahiga si Piolo sa kandungan ni Shaina habang ang dalaga ay nakahiga sa dibdib ng actor-singer. May kuha pang isang litrato na magka-holding hands ang dalawa.

Walang nababanggit sina Piolo at Shaina tungkol sa kung anumang espesyal na ugnayan nila ngayon.

Pero matatandaang ilang beses nang na-link ang dalawa sa isa’t isa.  Noong February 2017, sinabi ni Piolo na “five years” na silang “exclusively dating” ni Shaina.