Advertisers

Advertisers

RESSA IN PEACE?

0 333

Advertisers

ANG isang hikahos na bansang uhaw sa pang- mundong rekognisyon tulad ng Pilipinas,sinomang mamamayan nito ang namayagpag o nagwagi sa anumang larangang pang-mundial alin mang sektor ang kinabibilangan ay nagbubunyi ang buong sambayanan.

Sa larangan ng sports,inidolong bayani ng mga Pilipino si 8- division world champion boxing icon Manny Pacquiao gayundin sina Gabriel ‘Flash Elorde,Nonito Donaire at iba pa.

Buong pagmamalaki ang mga Pinoy nang ganapin ang world boxing championship nina Muhammad Ali vs Joe Frazier na ‘Thrilla in Manila’ noong dekada sitenta.



Proud na proud ang mga Pilipino nang magwaging Miss Universe sina Gloria Diaz, Margie Moran,Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Ipinagmalaki ng sambayanan ang matunghayan sa worldwidely-read Time Magazine sina dating Pangulong Cory Aquino( SLN) at incumbent President Rodrigo Duterte. Kamakailan , ginawaran ng prestihiyosong Nobel Peace Prize award ang Pilipino ( kuno) na isang Maria Ressa.

Dapat ay nagdiwang ang buong sambayanan sa karangalang iginawad sa kanya pero sa halip ay mayoryang Pilipino ang walang anumang reaksiyong magbunyi dahil alam nila kung sino ang nararapat sa gawad.

Ayon sa mayorya,kailanman ay di naging instrumental ang anila ay reyna ng peyknyus para sa kapayapaan ng bansa at wala siyang anumang pinamunuang grupo para sa adbokasiyanng katiwasayan para sa mga Pilipino.

Ni walang anumang sigaw ang umalingawngaw ng ‘Mabuhay’ kabaligtaran sa akala ng mga oposisyon na magagamit nilang pulitikal ang tagumpay daw ng kanilang manok.Sino siya?



Inihahabing ng mga hindi kumporme ang tulad niyang mistulang ‘headless chicken running berserk’ na basta lang naglulubid ng kasinungalingan upang siraan ang kanyang lipi(daw) sa ibang lahi na di kailanman gawain ng isang responsableng alagad ng pamamahayag.

Kung saan -saang lupain tumakbo ang huramentadong pinagsisigawan na patay na raw ang demokrasya sa Pilipinas at isa daw siya sa buhay na biktima ng bayolenteng administrasyon na nais patahimikin ang matabil niyang bunganga at sanga- sangang dilang bahagi ng kanyang ulong humiwalay sa katawan kaya wala nang direksiyon ang kadaldalan at wasiwas ng kabalintunaan.

Dahil daw sa talas ng kanyang pananalita ng salungat sa katotohanan ay may naloloko rin itong ilan mula sa lupain ng mga Estupidong Unyon at Estados Ungas na napaniwala niya sa kanyang talentong minana sa isang pinokyo pero hindi lahat ay sang-ayon sa kanyang bokilyang akala niya sa sarili ay sikat, matapang ,makabayan, matalino at ginagawang bobo ang mga tao . Feel niya ay isang karangalan ang mga asuntong pasan nito dahil sa sariling kagagawan gamit ang mga pekeng impormasyong isinasambulat ng kanyang ‘bulastog na balitaan ‘ na nagka-pangalan dahil sa eksaherasyon at pamimilipit ng katotohanan.

Pinagsisigawan niya sa ibayong -dagat na siya ay hinatulan dahil sa pagiging kritkal nito sa Pinuno ng bansa natin na di naman siya dapat na mamamayan dahil sa naiibang anatomiya o hilatya ng pagmumukha at kahit saan mo tingnan ay wala itong hawig sa ating lahi dahil magaganda ang mga ‘Pinay at pino ang kulay kumpara. sa kanyang kutis-kalamay ng bumbay.

Di nagtataka ang korner na ito na ipagkanulo niya ang Pilipino dahil anila’y walang anumang nananalaytay sa dugo nito.

Akala niya lang na lusot siya dito sa ‘Pinas kahit anong kasalanang gawin niya sa ibang tao sa kanyang estilong nagkukubli sa dignidad ng pamamahayag.