Advertisers

Advertisers

SEAGAMES 2023, CAMBODIA PUNONG-ABALA

Pagkatapos ng Vietnam..

0 413

Advertisers

MATAPOS ang isinagawang online SEAGames meeting ng 11 bansang kasapi ng Southeast Asian region kamakalawa, inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘ Bambol’ Tolentino na ang napagpalibang Hanoi SEAGames 2021 ay sa kalagitnaan na ng Mayo 2022 ito gaganapin sa Vietnam.

Ang naturang biennial event na karaniwang idinaraos tuwing odd year ay na-postpone dahil sa pandemyang coronavirus.

“The Vietnamese organizers were amenable to any date for the opening ceremony in mid-May,” ani Tolentino.



Kasabay nito ang pag- announce din ni Bambol na ang susunod na punong -abala ng SEAGames ay ang bansang Cambodia sa unang pagkakataon.

“Cambodia will host the 32nd edition in 2023 and they want to have at least a year’s window for them to prepare .Initially they wanted the opening ceremony to be held in May 5 or earlier, pahayag ng pinuno ng POC at incumbent 8th District of Cavite Representative Bambol Tolentino na tumatakbong Alkalde muli ng kanyang balwarteng Tagaytay City.

Sa kanyang timon sa POC, ang Pilipinas ay tinanghal na overall champion noong nakaraang 30th SEAGames Philippines 2019 bago ang pandemya.(Danny Simon)