Advertisers

Advertisers

Sundalo at pulis nasawi sa aksidente

0 237

Advertisers

ILOILO CITY – Patay ang isang retiradong sundalo at sugatan ang asawa nang mabundol ng jeep ang minamanehong traysikel sa Barangay 1 Poblacion, Roxas Street, San Miguel, Iloilo.

Kinilala ang sundalo na si Romeo Sioson, 52 anyos; at ang maybahay na si Liberty, 51.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ritchie Alcala, imbestigador ng San Miguel Municipal Police Station, papunta ang mag-asawa sa water refilling station nang nabundol ng nakasunod na pampasaherong jeep.



Samantala, patay rin ang isang pulis nang maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Botong, Oton, Iloilo.

Kinilala ang pulis na si Staff Sergeant Benjamin Gomez, nakatalaga sa Tigbauan, Municipal Police Station.

Ayon kay Captain Robert Jayson Pancha, hepe ng Oton Municipal Police Station, nagmamaneho si Gomez ng motorsiklo nang masagasaan nito ang isang babae ngunit siya ang napuruhan.