Advertisers

Advertisers

Babuyan, manukan bawal sa QC

0 495

Advertisers

Ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagkakaroon ng babuyan at poultry sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, base ito sa City Ordinance 2990-2020 na nilagdaan ng konseho.

Tatlo lamang aniya mula sa 17 barangay sa siyudad ang mayroong backyard piggeries at poultry.



Ito ay sa Payatas, Sta Lucia, at Old Balara.

Ayon kay Belmonte, nangako naman ang mga may-ari ng piggery at poultry na isasara ang operasyon sa Nobyembre 2021.

Ayon sa ilang mga nag-aalaga ng baboy at manok, mawawalan sila ng ikabubuhay kung pagbabawalan sila sa kanilang nakagawiang trabaho lalo pat nasa gitna ngayon ng pandemiya ang bansa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, magkakaroon ng alternatibong pangkabuhayan ang mga kasama sa pagsasara ng mga piggery at poultry farm para magkaroon ng iba pang source of income ang kanilang pamilya.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang naturang hiling.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">