Advertisers

Advertisers

Delivery boy timbog sa droga

0 413

Advertisers

LAGUNA – Timbog ang 47 anyos na delivery boy nang magkasa ng drug buy bust operation sa Brgy. Balibago, lungsod ng Sta. Rosa kasunod ang pagkakumpiska sa malaking halaga ng shabu.

Ayon sa ulat ni Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Rogarth Campo kay PRO4A Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, nakilala ang suspek na si Felix Marfil Caratihan alias “Felix” with live-in partner at residente ng Purok 4, Brgy. Dita lungsod na ito.

Sa ulat, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ni Sta. Rosa City Chief of Police PLt. Col. Vicente Amante sa lugar araw ng Miyerkoles.



Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang nasa pitong medium transparent plastic sachet ng shabu na tinatayang aabot sa 18 gramo habang nakalagay sa isang kulay maroon-colored na coin purse na umaabot sa halagang P122,400.00 pisong street value kasunod ang isinagawang pag-aresto.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Rosa City PNP Custodial Cell na nahaharap sa paglabag sa Section 5 and 11 of RA 9165. (Dick Garay)