Advertisers
MARAMI palang mahuhusay na doctors, mga department head na, ng Manila City gov’t. ang naka-floating ngayon, pinagbabantay ng Covid patients sa Covid facilities sa Luneta.
Marami sa mga duktor na ito ay senior na at may mga karamdaman narin, delikadong makapitan ng mabagsik na Covid-19.
Isa nga sa mga senior doctor ay pumanaw, inatake sa puso dahil sa stress/depression sa ginawa sa kanya ng “sindikato” sa City gov’t.
Si Dra. Evangeline L. Rafanan, ang City Gov’t. Dept. Head lll, ay isa nang senior at maraming karamdaman. Siya ang head ng Manila Health Department (MHD) na inalisan ng power at inilagay sa City Administration Office, tapos ginawang taga-monitor ng vaccine centers, at inilagay sa Covid facilities sa Luneta. Sa pangamba ng matandang duktora na mahawaan siya ng virus, nag-leave ito. At dito na ito nanghina, inatake at pumanaw kamakai-lan.
Sabi ng kanyang mga kasamahang duktor, na-stress/depress si Dra. Rafanan sa ginawa sa kanya, dahilan ng pagpanaw nito. Condolence po sa pamilya.
Ilan pang duktor na department heads ang ni-relieved mula sa kanilang current duties/responsibilties at inilagay sa Manila Covid-19 Field Hospital tulad nina: Dra. Janet del Mundo Tan, City Gov’t. Dept. Head 3 (Sta. Ana Hospital); Dr. Edwin C. Perez, Assistant Dept. Head 3 (Justice Jose Abad Santos Gen. Hospital); Dr. Erich Angel Sison, Dept. Head 3 (Ospital ng Sampaloc); Dr. Evangeline M. Malaca, Dept. Head 2 (Ospital ng Maynila); Dr. Clara M. Reyes, Dept. Head 3 (Ospital ng Maynila); Dt. Isaias R. Cando Jr., Dept. Head 3 (Ospital ng Tondo); Dr. Ma. Bernadette T. Fuggan, Medical Officer 5 (Manila Health Dept); Dr. Ma. Helen F. Yulde, Medical Specialist 4 (Justice Jose Abad Santos Gen. Hospital); Dr. Consolacion C. Albornoz, Asst. Dept. Head 3 (Ospital ng Sampaloc); Dr. Edmund A. Macaranas, Medical Specialist 4 (Ospital ng Sampaloc); Dr. Mario C. Lato, Asst. Dept. Head 3 (Sta. Ana Hospital); Ma. Luisa D. Aquino, Asst. Dept. Head 3 (Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center); Dr. Julia B. Beltran, Medical Specialist 4 (Ospital ng Tondo).
Ilan sa mga ito ay matatanda na at may mga karamdaman narin. Hindi na sila dapat isinaksak sa Covid facilities. At labag sa Civil Service Commission (CSC) guidelines na ang mga ganitong opisyal ay dalhin sa field. Dapat supervisory nalang sila. Right?
Ito ang problema ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang pagtakbong Presidente, mukhang maiiwanan niya sa hindi magandang kamay ang City gov’t.
Teka, sinu-sino ba ang mga kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod sa darating na halalan?
Obkors isa rito ay si Vice Mayor Honey Lacuna na ka-tandem si District 3 Congressman Yul Servo, who else?
Ang manok ni Pangulong Rody Duterte na si District 1 Congressman Manny Lopez ay nagwidro pero posible pang bumalik, mag-substitute. Ang running mate nga raw ni Lopez ay Bagatsing!
Takbo rin ang anak ni late Mayor Fred Lim na si Cristy. Di ko batid kung sino running mate niya.
Pero kung ako ang tatanungin, magandang pamalit kay Isko ay Lopez, alin sa anak ni late Mayor Mel Lopez. See nyo, Manilenyo?
Sana ituloy ni Manny ang kanyang pagtakbo. Laban!
Malalaman natin ito sa Nobyembre 15, ang deadline ng substitution. Subaybayan!