Advertisers
UMAARIBA na ang tapatang MAGNOLIA HOTSHOTS versus TNTTROPANG GIGA sa pagratsada ng Season 46 PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION Finals,Best of Seven series ng 2021 HONDA PHILIPPINE CUP.
Sa katatapos na semis, tinalo ng MAGNOLIA, 93-85, ang MERALCO na sister team ng TNT at namayani naman ang TNT, 97-79 sa SAN MIGUEL BEERMEN, sister team ng MAGNOLIA.
Suma total, hindi sister teams mula sa alinmang kampo ang mag-aagawan sa kampeonatoMaganda ang laban ayon na rin sa ating mga Kaisport. At least, hindi iisang kampo ang maghahablutan sa korona , patas din ang match.
Sa puntong ito, naikukumpara ang strategies o diskarte ng coaches dahil kanya-kanyang lakas ang ipinakita ng top teams sa semis Powerhouse ang BEERMEN at walang kokontra sa ganun. Bakit tinalo ng TNT ni Coach CHOT REYES ang tropang mag-aalak ni Coach LEO AUSTRIA?
Alam na ang tindi ng SMB first five, ARWIND SANTOS, JUNEMAR FAJARDO, ALEX CABAGNOT, CHRIS ROSS, MARCIO LASITER, idagdag pa sina MO TAUTUAat TERRENCE ROMEO plus tough rookies na sina CJ PEREZ at VON PESSUMALamong others. “Ang hirap talunin ng SMB!” sabi nga nina Coach CHOT atGame 7 Best Player ROGER ‘RR’ POGOY. Saan nagkulang? Naka-5-peatrecord na ang SMB sa All Filipino Cup o Philippine Cup, kung hindi banaman matindi. Ilang beses na ba silang naghahabol ng gandslam perobakit nauunsyami?
TEAM EFFORT PLUS DISKARTE NG COACH
Naka-sink-in sa amin ang sinabi noon ni Coach LEO sa isang kampeonato nila. ‘Hindi naman ako magaling na coach..magaling lang talaga ang players ko. Will we take it as a joke o seryoso nga?
Sobrang gagaling lalo ang veteran players nila, pero bakit nga kapansin-pansin na madalas silang naghahabol sa standing bago nakakaya pa rin ng lakas sa semis? Okay, magagaling kasi talaga ang PBA teams.
Kung ire-review, kahit parehong champion coaches sina AUSTRIA at REYES na maraming napatunayan, masisilip din ang pwedeng difference sa diskarte partikular dito sa nagdaang semis.ayon po ito sa mga obserbasyon, no offense meant. Hindi raw ginagamit lahat ng players ni Coach LEO samantalang maganda ang paikot ng mga bata ni CHOT. Isa pa, GLENN KHOBUNTIN, DAVE MARCELO, JJ ALEJANDRO,
PING EXIMINIANO are excess players na di ni-renew ng ibang teams, pero mas humusay kay REYES kaya umariba ang TNT, sey nyo?
Sa game 7 nitong semis, pinaulanan ng 3 points ng TNT ang SMB. Di ba marami rin naman ang 3-pointers ng SMB? Bakit nagkaunahan?
Isang sagot po ang, ‘swertehan minsan o madalas sa basketbol,’ kahit anong galing pa.Tingin nyo po ba, nasa diskarte o pagbalasa ng coach sa players ang malaking factor? Bakit gumaling ang depensa ng TNT?
Nakabalik sila ngayon sa Finals after ilang beses na failure. Dati nang napa-champion ni REYES ang TNT, ngayong bumalik, pasok ulit sa Finals at abot-kamay ang titulo. Coincidence lang? (Well, mabigat pong kalaban ang MAGNOLIA Pambansang Manok, Good luck!). Nariyan din sina 21-championship coach TIM CONE, grandslam coach NORMAN BLACK, champion coaches YENG GUIAO at CHITO VICTOLERO.May papel ang injuries, swerte factor at iba pang rason na coacheslang mismo ang knowledgeable. Subaybayan po natin ang PBA games. HAPPY READING!