Advertisers
TUTULAK ngayong araw (October 21, 2021) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Chairman ng NationalTask Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) patungong Region IV-A o Quezon Region, upang bigyan diin ang mga programang pang-kaunlaran na ibinuhos doon upang wakasan ang paghahari-harian ng komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Secrurity Adviser Hermogenes Esperon Jr. na siyang kasama ng Pangulo sa pag-iikot sa iba’t iba pang mga rehiyon sa bansa simula ngayong araw upang mapabilis ang pagpa-paunlad ng mga ‘conflict-affected’ at ‘geographically-isolated’ na mga barangay. Ang mga pagbisitang ito ng Pangulo ayon kay Esperon ay naudlot dahil sa pandemiyang dinulot ng virus na Covid-19.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Region IV-A ay dadaluhan ng mga lokal na opisyal sa rehiyon at pangungunahan ni Quezon Province governor Danilo E. Suarez. Mkasama rin ng Pangulo ang ilan sa kanyang gabi ete at iba pang matataas na opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang mga senior officers ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, at iba pang opisyales ng NTF-ELCAC at miyembro ng Regional Task Force-ELCAC. Kasama rin dito ang ilang mambabatas at mga benipisariyo ng Barangay Development Program (BDP) na iriprisenta ng kani-kanilang mga Barangay Chairmen.
Pahayag pa ni Esperon, bilang dating mayor, alam ng Pangulong Duterte kung papaano pamahalaan ang lokal na pamahalaan at siya ay natutuwa sa desisyong inilabas ng Korte Suprema na pumapayag itaas ang bahagi ng mga local goverment unit (LGUs) sa Internal Revenue Allotment (IRA). Ang IRA sa ngayon ay ibabase na sa lahat ng buwis na nakikolekta ng pamahalaang nasyunal na magreresulta sa mas malaking bahagi na, ang matatanggap.
Mangangahulugan na mas kapaki-pakinabang ito sa mga mamamayan, dahil tinatayang 45 porsiyento ang itataas ng IRA simula 2022.
Bilang taga-sulong ng kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak din ng Pangulong Duterte ang lahat ng mga programang makakapag-taas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan. At para wakasan din ang problema sa insureksiyon, ayon kay Esperon, ginawa rin ng Pangulo na ipag-utos ang pagpapatupad ng mga programa na magaangat sa mga lugar na pinipeste ng mga komunistang-terorista gaya ng libreng pag-aaral sa mga mag-kokolehiyo, libreng patubig sa mga sakahan at mga komunidad, programang pangkalusugan para sa lahat at ang pinag-iging Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Maging ang Build Build Build Program, ay nagbigay daan sa pagbuti ng mga industriya at naka-likha ng mga trabaho para sa kanyang mga kababayan at nakuha ng Pangulong Duterte ang tiwala ng mga namumuhunan upang maglagak pa ng kanilang mga kapital dahil sa payapang kapaligiran sa mga kanayunan.
Ang mga ito, ayon kay Espeon ay ilan lamang sa mga maipapamana ni Pangulong Duterte sa bansa at sa mga mamamayan.
“As the Vice Chairman of the NTF-ELCAC, it is my honor to convey to the public that the President has emphasized that the key to ending the local communist armed conflict lies in addressing the root causes which entice disgruntled communities into communist terrorism. Through the Barangay Development Program (BDP), a flagship program of the Duterte Administration, the President enacts his vision that progressive communities arise from a peaceful and stable environment. The BDP is the manifestation of our continuous partnership with the LGUs; wherein the NTF-ELCAC facilitates the fast-tracking of local development projects identified by the local chief executives themselves.,” ang paliwanag pa ni Esperon.
Kanya rin iniulat, na sa larangan naman ng seguridad, maipagmamalaki na raw ni Esperon na sa Region-IV-A ay tatatlo na lamang na mga Guerilla Fronts ang kanilang binabantayan, dalawa dito ay unti-unti pang napapahina ng mga tropa ng pamahalaan.
“”Communities from Guerilla Front areas, which have been dismantled previously, now constitute the first batch of 822 barangay recipients of the BDP. These cleared barangays will be receiving a package of development programs worth P20M per barangay, consisting of five core projects- farm-to-market roads, school buildings, water and sanitation systems, livelihood programs, and health stations. Other national government agencies shall be providing additional programs to augment the BDP as necessary,” dagdag pa ni Esperon.
Sa Region IV-A, pa rin aniya, ay may 72 projects pa sa ilalim ng BDP, para sa 30 barangay na nalinis na sa pamemeste ng komunistang-terorista.