Advertisers

Advertisers

Sayang ka Pacquiao!

0 530

Advertisers

AKALA ko ba ay nag-uumapaw sa salapi ang balong-yaman ni Senator Manny Pacquiao?

Pero ano itong usaping inaakusa sa kanya ng dating matalik na kaibigan ng senador na ang turing sa boxing champ ay higit pa sa tunay na kapatid.

Ayon kay Jayke Joson, dating special assistant ni Pacquiao ng mahigit isang dekada, nagulat siya nang hindi kilalanin ng senador na boksingero ang pinirmahan nitong kontrata sa Paradime Sports para sa laban nito sa martial arts sensation & UFC champion Conor McGregor.



Kasama si Jayke at dalawang pang Pinoy nang makipag-usap ito para sa isang boxing match ni Pacman laban sa UFC champion na under contract sa Paradime Sports.

Si Pacquiao mismo ang nagsabi sa kanila (Jayke Joson) na humanap ng magandang laban upang kumita ng malaking pera si Pacquiao para dito at sa kanyang pamilya.

Ayon pa kay Jayke Joson, kasama na dito ang perang ipamimigay ni Pacman sa mga nangangailangang tao at sa plano nitong pagtakbo bilang presidente ng bansa sa 2022 elections nga.

To cut the story short, nakakuha ng laban si Pacman sa Paradime Sports kontra McGregor at humingi pa umano sa Paradime Sports ng Php 100 million pesos ($2 million dollars) si Pacman bilang advance payment na ipinagkaloob naman ng nasabing kumpanya.

Pinirmahan umano ni Pacquiao ang kontra sa Paradime Sports.



Makalipas ang ilang buwan bago pa ang takdang boxing match ayon pa kay Joson, muling nanghingi ng another $2 million dollars si Pacquaio sa Paradime Sports ngunit tumanggi na ang nasabing promotion outfit.

Para naman mapagbigyan ang hiling ng kaibigang si Pacquaio, pinagsama-sama umano niya ang mga nalikom niyang pera mula sa mga binentang ari-arian at kaliwa’t kanang pangungutang at pera ng dalawa pa niyang kaibigan para maibigay kay senator Pacquiao ang hinihinging karagdagang advance payment.

Aminado si Jayke Joson na di umabot ng isang daan milyong piso (Php100) ang kanilang nalikom.

Inabot lamang ito ng PHP65 M na kanilang agad ibinigay sa boxer-senator.

Halos maiyak si Mr.Joson at mga kasama nito sa ginawang ito ni Pacman sa pagtakbo ng pera nya at ng kanyang mga kaibigan.

Damay din ang kuwarta ng Paradime Sports.

Minsan ay nakakaisip tayo ng malalim sa mga katagang nasabi ni Mayor Chavit Singson sa isang interview.

Malinaw na nasambit ni Manong Chavit noon sa isang interview ang tungkol sa bisyo ni Pacquaio na mangutang sa mga loan sharks sa bansang America bago ang isang schedule na laban ng senador.

Ayon pa kay Manong Chavit, makailang beses na rin nitong pinayuhan at pinagsabihan ang senador na iwasan ang ganitong pangungutang dahil di ito makakatulong sa “finances” ng senador dahil sa napakataas ng tubo o interest rate na hinihingi ng mga loan sharks na ito.

Pero ayon pa kay Manong Chavit na dumistansiya na rin kay Pacquaio, hindi nakinig sa kanyang mga payo ang boxing champ.

Iba pa ang narinig nating isyu sa ginawa namang pagbanat ng sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin sa maluho namang pamumuhay ng maybahay ni Pacquiao na si Jingky at ang pagkakahilig nito sa mga signature bags and clothings, jewelries at high-end na mga relo na idinisplay pa nito sa huling laban ng asawa laban kay Ugas sa America kamakailan sa kabila nang paggapang sa hirap at gutom ng napakarami sa ating mga kababayang Pilipino ng dahil sa pandemya.

Putting all things that have been said together, tila may problema talaga si Pacquaio sa kanyang pananalapi.

Bagamat nananatiling nasa bilyones pa ang kanyang pera at mga ari-arian, kuwestiyonable itong mapangalagaan ngayong tumatakbo nga itong Pangulo ng bansa at nangangailangan ng daang milyones na pondo para sa pangangampanya.

Ayon pa nga kay Manong Chavit, baka isang araw ay magulat na lamang si Pacquaio na ang lahat ng kanyang naipundar at pinaghirapan sa pamamagitan ng pawis at dugo ay wala nang lahat!

Malinaw na sinabi ni Manong Chavit na lahat ng kuwarta ng boxing champ ay pawang palabas at walang pumapasok na kapalit lalo na ngayong ganap na itong nagretiro sa boxing na “sole and only source” ng kanyang income.

Ayon pa kay Manong Chavit, lahat ng negosyong pinasok at investments ni Pacman ay palugi at di kumikita kung kaya’t labis siyang nag-aalala sa kasasapitang delubyo ni Pacquiao pagdating sa pananalapi.

Manalo o matalo man si Pacquaio ngayong eleksyon ayon pa kay Manong Chavit, tiyak na purdoy na ito at magkakautang-utang.

Marami pa itong utang at kinakaharap na kaso sa America na dagdag problema pa nito, ayon pa Chavit Singson.

“Kapag natalo si Pacquaio, malamang sa hindi ay maleletseng ganap ang kanyang buhay. Kawawa ang kanyang pamilya partikular na ang mga bata na halos lahat ay inaanak ko”, pagwawakas pa ni Chavit sa interview.

Sa sarili naman nating pananaw dear readers, totoo at pawang salita ng pagmamalasakit ang mga binitawang salita ni Mayor Chavit Singson kay Pacman.

Pakinggan man ito ni Pacman o hindi, pinupuri natin si Manong Chavit sa kanyang pagmamalasakit sa dating kaibigan!

Sa kaso ni Jayke Joson et al at sa Paradime Sports laban kay Pacquaio, naniniwala tayong truth and justice will prevail!

Sayang ka Pacquaio, naging palalo ka at lumaki ang ulo!

Di mo na ngayon alam ang kumilatis ng mga taong tunay na nagmamalasakit at nambibilog ng iyong ulo!

SAYANG!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.