Advertisers

Advertisers

Wesley So napanateli ang titulo sa US Chess

0 270

Advertisers

NAPANATELI ni Wesley So ang kanyang titulo sa US Chess Championship sa Saint Louis Chess Club Martes (Miyerkules sa Manila).

Unang pinataob ni So si Fabiano Caruana matapos ang 46 moves ng English Opening at isinunud si Samuel Sevian sa 33 moves ng King Indian Defense sa rapid round robin playoff round para ibulsa ang titulo at $50.000 prize purse( katumbas ng P2.5 million)

Ito ang ikatlong titulo ni So matapos magwagi sa 2017.



Caruan at Sevian ay nagsalo sa second place at ang $30,000 consolation prize.

So, Caruana at Sevian ay naipuwersa ang playoffs matapos ang 11 round regulation na tabla parehong 6.5 points.

Tinapos ng Cavite born ang regulation na may dalawang panalo at nine draws.

Sumampa si So sa tuktuk ng leaderboard matapos ang seventh-round victory laban kay John Nurke.

Habang si Caruana, ay umakyat sa seventh place sa sixth round ng regulation matapos itala ang tatlong sunod-sunod na tagumpay at two draws sa kanyang huling limang laban.



Samantala, sina Leiner Dominguez Perez,Ray Robson at Aleksandr Lenderman ay nagsalo sa fourth to sixth places na may 6 points at nag-uwi ng tig-$15,000.
Sam Shankland nagtapos seventh na may 5.5 points para ibulsa ang $9,000, habang si Dariusz Swiercz at Burke ay tabla sa eight na may 5 points at $7,500.