Advertisers

Advertisers

3 trabahador nangisay sa ‘live wire’

0 239

Advertisers

Sabay-sabay na nakuryente ang tatlong trabahador habang naglilinis ng abandonadong bahay sa Purok-6, Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na pawang gold panner na sina Jhan-jhan Corbito, 25-anyos, binata, residente ng naturang barangay; Erwin Overa Borja, 35-anyos, may asawa; at Wency Dias Bajaro, 28-anyos, mga residente ng Purok-7, Brgy. Gumaus, Paracale.

Sa ulat, 7:50 ng umaga nang maglilinis ng abandonadong bahay na pag-aari ng isang Marilou Paredes ang mga biktima malapit sa kanilang mining area na gagawin nilang pahingahan nang aksidenteng nahawakan ng isa ang kable ng kuryente.



Agad sumaklolo ang dalawa, pero pati sila nakuryente rin at sabay-sabay na nangisay.

Mabilis namang sumaklolo ang mga residente at sinubukang isugod ang walang malay na mga biktima sa Jose Panganiban Primary Hospital pero lahat idineklarang dead-on-arrival.