Advertisers
Nabulabog ang lamayan dahil sa pananaksak sa isang misis ng kanyang mister sa Barangay Bagu, Abulug , Cahayan.
Kinilala ang salarin na si Pepito Andres, 58 anyos; habang ang sinaksak ang kanyang may bahay na si Maxima Andres, 60 anyos na kapwa residente sa naturang lugar habang ang mga nakikipaglamay ang mga ito sa namatay nilang kabarangay na si Joel Bulusan.
Nakikipag-usap lamang si Andres kina Elena OIoraza at Milagros Avila ng dumating si Pepito.
Bigla daw sumingit si Pepito sa gitna ng biktima at si Oloraza pagkatapos inikutan nito ang mga ito at kasunod na sinaksak na ni Pepito ang kanyang misis.
Unang sinugod ang biktima sa Ballesteros District Hospital pero kinalaunan inilipat sa Far North Luzon General Hospital sa Luna, Apayao kung saan siya naka-confine ngayon.
Nahuli naman daw kaagad ng mga barangay official si Pepito.
Samantala, napag-alaman na halos dalawang taon ng magkahiwalay ang mag-asawang Andres dahil sa laging pagseselos ni Pepito. (Rey Velasco)