Advertisers
NAARESTO ng mga operatiba ng Mlang PNP ang isang negoayante sa isagawa ang drug raid operation sa bayan ito, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala lamang sa pangalan na alyas “Ed” ang nahuling suspek, nasa wastong edad at kasalukuyang ninirihan sa Purok 13, Poblacion B Mlang Cotabato at negosyante ng isda.
Sa ulat, sinalakay ang tirahan ng suspek 9:00 ng gabi bitbit ang search warrant at body camera.
Bago hinaluhog ang tirahan ni alyas Ed pinakapkapan muna sa kanyang kinakasama ang pulis na hahalughog sa kanilang tirahan.
Narekober mula sa tirahan nito ang limang sachet na naglalaman ng methamphetamine hydro chloride o mas kilala sa tawag na shabu.
Samantala todo tanggi naman si Alyas Ed na pagmamay-ari nito ang mga na rekober na illegal na druga at kampanti itong magnenegatibo kung isasailalim sa drug test.
Aminado naman ang suspek na dati itong gumagamit ng droga pero nasa limang taon na umano itong nakalipas at nakapag-graduate naman umano ito sa Community-Based Rehabilitation Program (CBRP) na pinatotohanan naman ni punong Baranggay Emmanuel Angeles.
Sa ngayon nasa custodial facility na ng Mlang Pnp ang suspek at kung mapapatunayang illegal na droga ang na rekober posibling mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 si Alyas o Comprehensive Dangerous Drigs Act of 2002.