Advertisers

Advertisers

P1.2M banned pork nakumpiska sa NegOc

0 228

Advertisers

AABOT sa1.2 milyon ang halaga ng assorted pork products ang nakumpiska ng Lokal ng Pamahalaan sa iba’t-ibang establisimyento mula Enero hanggang Oktubre 15 ngayong taon sa Negros Occidental.

Ang nasabing bawal na karne nasa 4,051.74 kilo ng baboy at iba pang pork-related na pawang ipinuslit papasok sa bansa mula sa iba’t-ibang bansa na kinumpiska sa nasabing panahon, batay sa ulat ng Provincial African Swine Fever (ASF) Task Force kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson.

“These were apprehended in seaports, airport, checkpoints, and [also] local government units in the province,” ayon kay Dr. Renante Decena.



Si Decena, na co-chair ng ASF Task Force, na mula lamang nitong Oktubre 9 hanggang 15 ay mayroon nang P9,628 halaga ng pork at pork-related products ang nakumpiska mula sa isang pasahero na dumating sa Bacolod-Silay Airport.

Tinangkang ipuslit ang nasabing karne kaya hand-carried lamang ito.

Paglilinaw naman ni Decena na maaari namang makapasok ang karne kung nasiyasat ito nang maigi.

Maingat ang lalawigan sa pagpapasok ng live pigs, pork, at pork products mula Luzon, Mindanao, at Eastern Samar, dahil umiiwas sa swine disease at maproteksiyunan ang kanilang P6-billion swine industry.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">