Advertisers

Advertisers

Pinaka-galante si Pacman sa presidentiables

0 643

Advertisers

SA halos 100 presidentiables, anim lang rito ang kinokonsiderang magbabakbakan sa 2022 Election.

Sa anim na ito, si Senador Manny Pacquiao ang pinaka-galante. The rest tipid na tipid sa paglabas ng salapi.

Ang anim na siguradong mangunguna sa final list ng presidentiables na ilalabas sa Disyembre ay sina Vice President Leni Robredo, Pacquiao, Sen. Ping Lacson, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Sen. Bongbong Marcos, at Manila Mayor Isko Moreno.



Sa kanilang mga pag-iikot, bagama’t bawal pa dahil sa Marso pa ang simula ng kampanya sa national, ay si Pacquiao ang kinakitaan ng sobrang luwag sa pera.

Sa kanyang unang ikot palang sa Batangas nitong Oktubre 14 (Huwebes) ay nagpaulan agad ito ng tig-P1K plus supot ng goods sa nasa 7,000 residenteng dumalo sa kanyang pamamahagi ng “ayuda” sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkan Taal last year.

Sa tingin ko ay mababa ang P10 milyon sa pinakawalang ito sa Batangas ni Pacman.

Umalma rito ang mga “bata” ni Pangulong Rody Duterte, dating kaalyado ni Pacquiao na ngayon ay ka-murahan na. Hehehe….

Sabi ni DILG Seretary Eduardo Año, paiimbestigahan niya ang ginawa ni Pacquiao. Lumabag daw ito sa pinaiiral na protocols laban sa Covid-19. Nawala raw ang social distancing. Maari raw maging super spreader ang ginawa ng boxing Senator. Oo nga naman…



Pero, halos lahat ng presidentiables na nagsasagawa ng pag-iikot con pamimigay ng ayuda ay dinudumog ng mga tao, walang social distancing. Unfair naman yata kung si Pacquiao lang ang paiimbestigahan ni Sec. Año. Mismo!

Kinukuwestyon din ang pamimigay ng pera ni Pacquiao. Vote buying daw ito, mahigpit na ipinagbabawal sa election law. Maaring ika-disqualified ni Pacquiao.

Ngunit para sa Commission on Election (Comelec), magsisimula pa lamang ang pagiging kandidato ni Pacquiao sa Marso 2022, simula ng kampanya. Kaya walang kaso o hindi pa masasabing vote buying ang pamimigay ng pera at goods ng presidentiable. Oo nga naman…

Depensa naman ni Pacquiao, bisyo nya na ang mamigay ng pera at goods simula pa nang kumamal siya ng kayamanan sa pakikipagbasagan ng mukha sa ibabaw ng ring hanggang sa ma-ging politiko. Sariling pera niya ang kaniyang ipinamimigay, hindi galing sa nakaw o kickback sa mga proyektong pinadadaluyan ng kanyang multi-million pork barrel as senator.

Si Pacquiao ay “ninong” kung tawagin sa kanilang lalawigan, Cotabato.

Si Pacquiao ay malakas na kontender sa pagka-pangulo. Kaya nga target siya ng demolition ng mga “troll” ng mga katunggali.

Running mate ni Pacquiao ang dating alkalde ng Maynila ay kasalukuyang kinatawan ng Buhay Partylist sa Kongreso na si Lito Atienza.

Pagmamayabang ni Atienza, sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ni Pacquiao, dinudumog sila ng mga tao. Na kung ang lahat ng ito’y boboto sa kanya, tiyak landslide ang kanyang panalo!

Kabilang naman sa senatorial ticket ni Pacquiao sina reelectionist Migz Zubiri at Joel Villanueva, magbabalik na sina Chiz Escudero at Loren Legarda, ex-VP Jojo Binay, journalist Raffy Tulfo, at Atty. Lutgardo Barbo.

Kung kayo ang tatanungin, pasado ba sa panlasa n’yo si Pacquiao para sunod na pangulo ng Pilipinas? Txt txt…