Advertisers

Advertisers

Shabu con adobo buking sa Davao City Jail

0 274

Advertisers

NABUKING ang shabu na isinama sa ulam na adobong manok sa Davao City Jail-Annex nitong Martes.

Kinilala ang mga inaresto na sina Dante Flores at Glenda Alapag.

Inaresto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) XI ang dalawang kaanak ng inmate nang tangkang pag-abot ng mga ito ng shabu na nasa adobo.



Ayon sa BJMP XI, nadiskubre ng duty searchers ng kulungan ang ulam na adobo na may lamang shabu. Isinuksok ang mga sachet ng shabu sa mga karne ng manok na adobo.

Ginagawa ang paabot na aktibidad ng BJMP, kungsaan pinapayagan mag-abot ang mga kamag-anak ng mga gamit at pagkain para sa mga bilanggo.

Aabot sa 15 sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P32,000 ang nasamsam sa dalawang suspek.

Dahil dito mahigpit nang ipinagbabawal sa Davao City Jail ang pagtanggap ng mga maghahatid ng ulam sa mga nakabilanggo dito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">