Advertisers

Advertisers

4 sugatan, 7 sasakyan natabunan ng landslide sa Zambo

0 277

Advertisers

NAGTAMO ng pinsala sa katawan ang apat katao at pito ang sasakyang natabunan ng gumuhong lupa sa Lakewood, Zamboanga del Sur nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, may mga residente ring naipit sa ilaim ng mga debris.

Inabot ng magdamag ang retrieval operation ng mga sasakyan.



Nagtamo ng mga galos ang mga driver ng pitong sasakyan, gayundin ang ilang pasahero ng van.

Ilan sa mga biktima ang dinala sa malapit na rural health unit ng Tigbao, Zamboanga del Sur, habang ang iba ay tumanggi magpagamot.

Daanan ang Barangay Gatub ng mga motoristang bumibiyahe papuntang Zamboanga City at isang landslide prone area.

Ayon kay Lt. Elvin Rosales, hepe ng Lakewood Municipal Police Station, kasalukuyang ginagawa ang road widening sa lugar at halos araw-araw na nakakaranas ng pag-ulan.

Bago ang landslide, mahigit tatlong oras na ang pagbuhos ng malakas na ulan.



Ayon sa PAGASA, patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao dulot ng intertropical convergence zone at localized thunderstorm.

Nitong Huwebes, nadadaanan na ang bahagi ng kalsada na natabunan ng landslide.