Advertisers
KALABOSO ang isang police asset nang maaresto sa buy-bust operation sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ng Laoag City Police Station (LCPS) ang suspek na si Nolimar Valdez, 39 anyos, isa sa mga pinagkakatiwalaang police asset, ng Brgy. 23, San Nicolas ng nasabing lalawigan.
Napag-alaman na nagsimulang maging police asset si Valdez noong 2017 at isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ng lokal na pulis.
Nakakulong ngayon si Valdez sa LCPS at sasampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya.