Advertisers

Advertisers

Miami Heat tinusta ang Bucks

0 296

Advertisers

PINAHIYA ng Miami Heat ang bumisitang defending champion na Milwaukee Bucks sa una nilang paghaharap sa bagong season ng NBA matapos na ilampaso sa iskor na 137-95, sa FTX Arena.

Mula sa first quarter, 40-17, ay hindi na binitawan ng Heat ang kalamangan hanggang sa pagtatapos na umabot sa 42 puntos ang kanilang abanse.

Nanguna si Tyler Herro mula sa bench gamit ang 27 points sa loob ng 24 minutes sa walang humpay na opensa, na sinuportahan ni Jimmy Butler ng 21 points at si Bam Adebayo na may 20 puntos at 13 rebounds.



Naging epektibo rin ang depensa ng Miami upang limitahan ang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo sa 15 points, habang sina Grayson Allen ay may 14 at ang Olympic gold medalist na si Khris Middleton ay nag-ambag ng 10 points.

Minalas pa ang Bucks dahil hindi nakalaro dahil sa injuries sina Jrue Holiday (right heel), Brook Lopez (back) at Bobby Portis na siyang sinamantala ng init ng Heat.