Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nasamsam sa 3 tulak sa Bacoor

0 532

Advertisers

NASA P3.4 million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong drug personalities kabilang ang isang negosyante sa buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na sina Marvin Espiritu Dominguez alyas “Barron”, 30 anyos; John Paul Reyes, 26; at Christine Bautista Alvaran, 25.

Ayon sa regional director ng PDEA RO-NCR, Director III Christian O Frivaldo, 3:10 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA RO-NCR Northern District Office (NDO), PDEA Cavite Provincial Office at Bacoor CPS sa Panapaan 1, Bacoor City.



Nasamsam sa mga suspek ang 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million, isang Toyota Avanza, 1 mobile phone, at buy bust money. (Mark Obleada/Koi Kaura)