Advertisers
TINATAYANG higit sa higit P4 milyon halaga ng pekeng sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) at Barangay Intelligence Network (BIN) sa Brgy. Tabe, Guiguinto Bulacan nitong Biyernes.
Sa report ni Police Lt.Colonel Luke Ventura, kinilala ang mga nadakip na sina Zeng Qiangjian alyas Ken, 42 anyos, Chinese national, ng Brgy. Bigaa, Balagtas Bulacan; at Elmer Calania, 43, ng Poreza St., Sta. Mesa, Maynila.
Sa ulat, 12:20 ng madaling araw nang masabat ng mga awtoridad sa pamamagitan ng buy bust operation ang isang closed van Isuzu Truck (CBJ- 9901).
Nakatanggap ng reklamo ang CIDG sa Phillip Morris Fortune Tabacco Corporation kaugnay ng talamak na bentahan ng pekeng sigarilyo sa merkado.
Nasa 79 kahon na puno ng iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo ang nasabat.
Matatandaan na nadakip na noon si alyas Ken sa milyong piso ng sigarilyo na nasabat sa isang bodega sa Brgy. Santol, Balagtas. (Thony D. Arcenal)