Advertisers
NAKUNAN ng CCTV ang pamamaril ng isang lalaki sa guwardiyang naka-duty sa isang subdivision sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Arnold Dela Cruz.
Ayon sa ulat, may dumating na lalaking sakay ng motorsiklo at kinausap ang biktima. Ilang sandali, pumasok sa gate ang guwardiya at sinundan ito ng lalaki.
Nang makapasok sa gate, pinagbabaril ng lalaki ang guwardya, pero tila ginantihan siya ng biktima kaya umiwas din ito.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin habang namatay sa tama ng bala ang guwardiya.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.