Advertisers

Advertisers

Si Ping ang gusto ni Kim Henares; at laban ni Baylon vs Pineda

0 275

Advertisers

NATATANDAAN n’yo pa ba si Kim Henares? Siya ang da-ting BIR Commissioner nung panahon ni late PNoy na naging maayos ang koleksyon ng gobyerno sa tax.

Sa mahusay lang tumataya itong si Henares, na bagama’t hindi politiko ay nakilala sa larangan ng politika dahil sa masinop na pangangasiwa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nang ito ay kanyang pamunuan.

Kaya masasabing bago siya magpasyang i-endorso ang kandidatura sa pagkapangulo ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ay nakaliskisan na niya nang mabuti ang mga katangian nito lalo na sa kasalukuyang panahon na ang bansa ay binabalot parin ng pandemya ng COVID-19.



Isa sa mga unang katangian na hanap ni Henares sa dapat na maging sunod na Pangulo ng bansa ay ang pagiging respetado.

Sa panahon ngayon na karamihan ay nasasangkot sa korap-syon at eskandalo, sino nalang ba ang natitirang karespe-respeto?

Ang sagot diyan ni Henares ay “si Ping Lacson!”

At eto pa nga ang mga katagang binanggit ni Henares sa wikang Ingles sa kanyang Facebook post: “We need someone who can hit the ground running, who [has] a clear vision on what he/she wants to do, and [has] a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild).”

Mahalaga para kay Kim Henares ang disiplina at sa dinami dami ng mga kumakandidato sa pagkapangulo, kay Ping niya lang nakita iyon. Mismo!



Nakita rin agad ni Kim ang kongkretong plano ni Ping: “It is clear he has a plan for governing. And this is the reason why I am supporting Ping Lacson. Furthermore, if PNoy thought Ping Lacson was worthy enough to help him during his administration, then I do not see why I should not consider him as my candidate.”

Ayan!, malinaw na malinaw na kung sino ang tunay na tumatatak kay Kim Henares sa ganito pa lamang kaagang panahon.

Ang isa pang binabanggit ni Kim ay ang pagkakahawig ng estilo ng pangangasiwa nina Ping at yumaong si PNoy.

Ang dalawa ay mayroong tugmang programa na repormahin ang proseso sa pambansang badyet at kapwa din naniniwala ang mga ito na dapat pagtuunan ng pansin ang mga maliliit na kumunidad para ang pamumuhay ng mga mamamayan ay makahabol sa mga nauna nang umasenso.

Patas na laban para sa lahat ‘ika nga…

***

Nakapayanam namin kahapon sa virtual Meet the Press ng National Press Club ang kumakandidatong gobernador ng Pampanga na si Engr. Danilo Baylon ng bayan ng Candava.

Makakalaban ni Baylon ang dynasty ng Pineda, ang incumbent na Dennis na ang running mate ay ang kanyang ina (Lilia).

Nasa dalawang dekada narin hinahawakan ng Pineda ang Pampanga. Unang naka-9 years si Lilia tapos minana ni Dennis. Ang ilang miyembro ng kanilang pamilya ay nasa politika rin.

Sa paghaharing ito ng Pineda sa Pampanga ay naging talamak ang mga sugal – jueteng at online sabong na nakapuwesto sa mga paradahan ng mga sasakyan at palengke. Kaya naging talamak ang nakawan dito ay dahil sa mga sugal na ito. May mga nagpapakamatay pa dahil sa nabaon sa utang sa pagsusugal.

Sabi ni Baylon, ito ang unang-una niyang buburahin kapag nabigyan siya ng pagkakataon maupo sa kapitolyo.

Kinuwestyon din ni Baylon ang “very poor” na pagtugon ni Gov. Pineda sa problema sa Covid-19. Wala raw bakuna at ayuda. Iilan palang ang nabakunahan, nasa 30 percent palang, gayung higit P2-B ang pondo ng lalawigan na may mahigit 1 mil-yong botante. mula sa 2.4 million na population.

Say ni Baylon, magbibigay siya ng tax amnesty ‘pag nahalal siya. Ayos ito, mga kabalen!!! Change your leader na!!!