Advertisers

Advertisers

Wala sa hulog ang mga kapitalistang gagawing hulugan ang 13th month pay

0 331

Advertisers

MAHIGIT dalawang buwan na lang, Pasko na.

Pihadong gagastos na naman tayo dahil tradisyon na nating mga Filipino na maghanda tuwing Pasko upang maging masaya ang pagdiriwang nito.

Siyempre, kailangan ng pera.



Kung walang pera, hindi magkakaroon ng handaan na siyang magpapasiya sa bawat pamilyang Filipino.

Isa sa mga pinagkukunan ng pera ng mga nagtatrabaho ay ang 13th – month – pay.

Ilang araw na ang nakalipas, mayroong sumulpot na masamang balita tungkol sa 13th – month – pay.

Plano raw itong gawing installment basis ang pamimigay sa mga manggagawa ar empleyado.

Pokaragat na ‘yan!



Nakasisigurado akong umalma ang mga manggagawa o mga empleyado sa pribadong kumpanya dahil mali ang naturang ideya.

Maling-mali na gawing hulugan ang pamimigay ng 13 th – month – pay sa mga manggagawa o empleyado.

Wala sa hulog ang mga kapitalistang gagawin ito.

Pihadong tutol ang mga manggagawa sa hulugang pagbibigay ng naturang insentibo.

Kahit saang anggulo tingnan ay maling hulugan ang pagbibigay nito sa panahong salat sa kuwarta ang mga manggagawa sa panahon ng pag-atake ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Simula Marso ng nakalipas na taon ay naparaming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil maraming nagsarang kumpanya bunga ng pagkalugi.

Napakaraming manggagawa ang hinagupit ng kamay na bakal ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi raw sila “eesential workers”.

Marami ring kumpanya ang nalugi, ngunit nakabawi naman sa kalaunan.

Mabuti pa ang mga kapitalista nakabawi kumpara sa mga manggagawa.

Napakaraming manggagawa ang hindi nakabawi.

Napakaraming manggagawa ang nagipit nang husto hanggang ngayon dahil nawalan sila ng trabaho.

Mayroong nanatili sa kanilang pinapasukang kumpanya, ngunit napakalaking bilang sa kanila ang binawasan ng sahod.

Walang nagawa ang mga manggagawa, kundi ‘pumayag’ na lang dahil kailangan nila ng perang panggastos araw-araw.

Kaso, mayroong mga kapitalistang napakatuso dahil mahigit isang taon nang kalahati sa mninimum ang buwanang pasahod sa kanyang mga manggagawa.

Pokaragat na ‘yan!

Mula 2019 hanggang ngayon ay hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin.

Tiniyak pa ng ilang ekonomista na magpapatuloy ito hanggang susunod na taon, sapagkat sunud-sunod ang pagtaas ng
ng presyo ng langis sa pandaigdigang palengke.

Dikta ito ng mga bansang kabilang sa Organization of the Petroluem Exporting Countries (OPEC).

Kaya, lalong kawawa ang mga manggagawa hanggang susunod na taon.

At posibleng lumampas sa 2022 kung magiging tuso ang mga kapitalista na panatiling mataas ang presyo ng kanilang produkto upang patuloy na kymabig ng napakalaking tubo.

Pokaragat na ‘yan!

Siyempre, kawawa rin ang ibang batayang sektor ng ating lipunan, kabilang na kaming mga mamamahayag.

Makatutulong na ang perang galing sa 13th month pay.

Hindi man ito sobrang laki, dagdag na rin ito sa panggastos ng mga manggagawa sa kani-kanilang pamilya.

Kaya, huwag gawing hulugan ang pamimigay nito ng mga kapitalista sa kanilang mga manggagawa.

Huwag pairalin ng mga kapitalista ang plano nilang wala sa hulog.