Advertisers

Advertisers

Ex-sundalo pinatay sa loob ng bahay

0 348

Advertisers

TULUYAN nang namahinga ang isang dating sundalo nang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Camarines sur.

Kinilala ang biktima na si Edgar Pillosis, 51 anyos, residente ng Barangay Antipolo, Minalabac, Camarines Sur.

Ayon kay Police Staff Sgt. Ernesto Verdadero Jr., imbestigador ng Minalabac Municipal Police Station, nagpapahinga sa kanilang sala ang biktima nang sumulpot ang salarin na armado ng kalibre .45 na baril at agad itong pinaputukan.



Kaagad nakatakas ang salarin.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.