Advertisers

Advertisers

Full-blown vaccination sa mga menor de edad, sisimulan ngayong Lunes sa Maynila

0 261

Advertisers

INANUNSYO ni Presidentiable at Manila Mayor Isko Moreno na sisimulan na ngayong araw ng Lunes ang full-blown mass vaccination ng mga menor de edad partikular na ang nasa edad 17-22 kasunod nang ginawang pag aproba ng national government matapos na simulan ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan na may iba’t ibang comorbidities.

Iniulat ni Vice Mayor Honey Lacuna, may 222 menor de edad na may comorbidity ang nabakunahan at walang naiulat na adverse reactions.

Si Lacuna ,ang personal na nangangasiwa sa vacvination program ng lungsod kasama ang kanyang mister na si Dr.Poks Pangan ,chief ng Manila Health Department.



Nalaman na noong nakalipas na buwan pa sinimulan sa Lungsod ng Maynila ang pagpapa rehistro ng mga menor de edad na gustong magpabakuna.

Nabatid na ang mga nakatakdang ibakuna sa mga kabataan ay Pfizer at Moderna.

Ang requirement para sa menor de edad na gustong magpabakuna ay ang medical certificate na may lagda ng doktor ,birth certificate at consent form na nilagdaan ng guardian o magulang.

Nabatid na gagawin ang mass vaccination, sa 6 na hospital pinatatakbo ng lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ,Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, at Sta. Ana Hospital.

“Sa pamamagitan ng bakuna, at least mababawasan na ang pangamba ninyo para sa inyong mga anak. Maaring samahan ng magulang o guardian ang mga bata,” ayon kay Moreno.



Pinayuhan ni Moreno ang mga magulang at guardian na hintayin ang text message kung kelan at saan babakunahan ang kanilang mga anak.

Kaugnay nito, nalaman kay Lacuna na aabot sa 80,000 -100,000 lahat ang menor de edad na kanilang bibigyan ng bakuna at pinayuhan ang mga.magulang na iparehistro ang kanilang mga anak para maihanda na rin sa limitadong face to face class. (ANDI GARCIA)