Advertisers

Advertisers

Anne nawindang sa paglilinis ng anak

0 320

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NASURPRESA si Anne Curtis sa bagong skill na natutunan ng kanyang bibang anak na si Baby Dahlia Amelie.

Sa viral video na ibinahagi niya sa Instagram account ni Dahlia, makikita ang kanyang unica hija na naglilinis ng carpet gamit ang vacuum cleaner.



Sobra namang naaliw ang aktres kay. Dahlia kaya maririnig sa video nito na napabulalas itong : “Cleaning? Wow!”

May caption naman itong: “She’s loving it. Learning to do some chores in her little Gale dress. She’s at a stage where vacuuming and walis walis time is playtime.”

Marami namang netizens ang humanga sa pagiging smart at intelligent ng anak ng Viva artist.

Ito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

“Very good! Baby dahlia 👏👏👏😍😍😍😍😍”



“🙌but i believe Bebé #dahliaamelieee will still do vacuuming and walis walis while she age, it’s a good thing she knows simple household chores at very young age ☺️💞💜💗✨”

“How much do you charge / hour Dahlia? I need a cleaning little girl 😅”

“This little girl is cute cute. She’s curious in everything that surrounds her.”

***

“FPJ’s Ang Probinsyano”, mas naging kapana-panabik

MAS kapana-panabik ang mga eksena sa pinakaaabangang aksyonserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”dahil sanib-puwersa na sina Renato (John Arcilla) at Arturo (Tirso Cruz III) para itumba si Cardo Dalisay (Coco Martin)

Habang lumalaon, paliit nang paliit ang mundong ginagalawan ni Cardo dahil isang malakihang manhunt ang isinasagawa ng kanyang mga kalaban para tugisin at wakasan ang buhay niya.

Parehong nanggigigil sa galit ang dalawang mortal niyang kaaway dahil akala nila ay ito ang responsable sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pagkakataon din ito ni Renato upang sirain ang reputasyon ni Cardo sa publiko at mapabango ang kanyang imahe sa paparating na halalan.

Ngunit wala ring kamalay-malay si Renato na pinagsasamantalahan lamang ni Arturo ang kapangyarihan niya upang gantihan si Cardo. Alam kasi ni Arturo na ang totoong pumatay sa malapit na tauhan ni Renato ay hindi si Cardo kundi ang Black Ops.

Hanggang kailan matataguan ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.