Advertisers
Lolo na ang National Basketball Association. Ang dami nang naging anak at apo.
Tinatag noong ika-6 ng Hunyo 1949 matapos ang pagsasanib puwersa ng Basketball Association of America (BAA) atNational Basketball League (NBL).
Isang maituturing na supling ng NBA ang ating Philippine Basketball Association na isinilang noong 1975. Naka-pattern ang PBA sa liga nina Michael Jordan at LeBron James.
Gayon din ang mga pa-basketball sa China, Japan, Korea at sa iba pang bahagi ng mundo.
Ang tawag nga sa magwawagi sa NBA Finals ay world champions. Pwedeng hype lang ng liga nguni’t maaaring totoo rin dahil nandito ang mga pinakamatitinding mga basketbolista mula sa apat na sulok ng earth.
Yung top 75 na mga manlalaro na napili ng liga talagang may hindi sasang-ayon. Sa tagal na tumatakbo ang NBA ay sangkaterba ang naging bahagi nito. May hindi mapapabilang sa listahan. Eka nga sa wikang Ingles ay “impossible to please everyone”.
***
Inaayos natin ang isang episode ng Boomer’s Banquet na tungkol sa NBA sa Nobyembre. Ito ay upang gunitain ang diamond anniversary ng pinakasikat ng torneo sa ibabaw ng lupa. Tumango na ang isang legitimage na nagdribol noon para sa Detroit sa katauhan ni Norman Black. Mag-iimbita pa tayo ng iba na otoridad sa paksa o diehard tagahanga mula pa noon. Kaabang-abang itong subaybayan.
***
Sana raw ang eleksyon natin sa Mayo ay one-on-one na laban. Kung sa sports parang sa boksing o chess daw para ang panalo siguradong majority’s choice. Yun mananaig yung mas magaling.
Ayon kay Aling Barang hindi rin nakakalito mamili kasi dalawa lang ang magkatunggali. Ngayon daw nakakahilo dangkasi’y maraming kandidato. Sa ngayon nga may bogus o place holder lamang.
Dapat daw ay ayusin natin ang sistema. Isang galing sa administrasyon kontra sa magmumula sa oposisyon. Pero dadaan sa convention kung saan kahit ilan maaaring lumahok. Matira sa magkabilang panig ang tunay na matibay at mahusay.