Advertisers
Mahigit sa P20 million halaga ng marijuana plants ang sinira sa magkakasunod na operasyon sa Cebu.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Dir. Gen. Wilkin Villanueva, sa unang operasyon isinagawa ng pinagsanib na elemeto ng Balamban Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office (CPPO), First Provincial Mobile Force Company (PMFC), Naval Forces Central (NAVFORCEN), PDEA sa Sitio Quo, Barangay Gaas, Balamban Cebu.
Sinira at sinunog ang may 11,500 fully grown marijuana plant na nagkakahalaga ng P4.6 million.
Habang sa isinagawang operation sa Sitio Hikapon, Barangay General Climaco, Toledo City, sinira at sinunog ang may 40,000 marijuana plant na nagkakahalaga ng P16 million.
Nakatakas naman sa isinagawang operation ang isang Rodrigo Cabiles na taga alaga ng marijuana plantation sa Balamban at isang Ernie Lagaza at Envoy Zabate na taga tanin ng marijuan sa Toledo City.
Inatasan ni PNP Chief Gen Guillermo Eleazar ang local Police na makipagkoordinasyon sa PDEA para sa agaran pagkakadakip sa mga nakatakas na mga suspek.
Nahaharap ang tatlong mga suspek sa kasong paglabag sa Section 16, Article II of republic Act 9165 or the “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” (Mark Obleada)