Advertisers
INANUNSYO na ng prinsesa ng DDS (Duterte Diehard Supporters) na si “Inday” Sara Duterte-Carpio, ang umbagerang anak ni Pangulong Rody Duterte, na ibi-nibigay niya kay presidential candidate Bongbong Marcos (BBM) ang suporta ng kanyang regional political party ‘Hugpong ng Pagbabago’.
Ang Hugpong ay binuo ni Sara two years ago. Ito ang kasalukuyang pinakamalakas na local political party na kalat sa buong bansa. Siempre anak yata ng Pangulo ng Pilipinas ang pumanday nito. Takot lang ng LGUs kung ‘di sila maki-hugpong. Hehehe…
Ang pag-endorso ni Sara ay ginawa niya nang magtagpo sila ni BBM sa Cebu City nung Sabado, kungsaan itinaas pa ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kamay ng dalawa, senyales na suportado at iniendorso niya ang dalawa.
Si Garcia ay nahaharap din sa kasong Graft. ‘Guilty’ siya sa graft court. Pero nakaapela ang kaso sa Korte Suprema kaya nasa puwesto parin ito at nakakatakbo pa sa elek-syon.
Sa kanilang pagtatagpo, hindi nilinaw ni Sara at maging ni BBM kung tandem ba sila.
Kasi si Sara, kahit nag-file ng CoC for reelection (Mayor ng Davao City) ay maari pang magwidro at mag-substitute para sa Presidente o Bise Presidente bago matapos ang deadline ng substitution process sa Nobyembre 15.
Pero kung babasahin natin, ang pag-endorso ni Sara ng Hugpong kay BBM ay nangangahulugan na tinutulungan nya lang si BBM at hindi para maging running mate sila.
This means si Sara ay tuloy sa kanyang re-election. At ang maaring maging running mate ni BBM ay si Senador Bong Go. Puwede!
Si Bong Go, ang longtime aid ni Pangulong Duterte, ay malakas naring vice presidentiable. Dumidikit na siya kina Sen. Kiko Pangilinan at Sen, Tito Sotto.
Malalaman natin sa Nob. 15 kung sino talaga ang magiging running mate ni BBM, si Sara ba o si Bong Go?
Abangan!
***
HABANG papalapit ang halalan, Mayo 9, 2022, lumilinaw kung sino ang mahigpit na maglalaban sa Finals! Tingin ko’y nasa pagitan lang nina BBM at Leni Robredo.
Ito ang lumalabas sa mga pa-survey ng iba’t ibang survey firms, mainstream media outlets, at social media flatforms.
Sina BBM at Leni lang ang pinag-uusapan, out ang ibang presidential aspirants na sina Sen. Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao. Tsk tsk…
Higit na ‘di binabanggit ang Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang presidentiable na last minute nag-file ng kanyang CoC noong Oktubre 8 matapos na makatanggap daw siya ng “instruction” na tumakbong presidente. “Uto-uto” ang tawag sa kanya ng netizens. Hehehe…
Sa mga survey, medyo malaki ang agwat ni BBM kay Leni na malayo naman ang agwat sa iba pang aspirants.
Pero araw-araw, habang papalapit ang halalan, lumalawak ang PINK, ang political color ni Leni. Napupuno ang kalye, umaabot ng ilang kilometro ang haba ng kanilang motorcades. Tuloy… nag-anunsyo ang MMDA na kailangan kumuha ng permit ang mga politikong nagsasagawa ng motorcades. Ngek! Noong umiikot ang “Run Sara Run’ dedma sila ah. Ewan!
Anyway, kung sino man ang papalaring maging Pangulo sa Mayo 9, sana maibangon niya ang nalugmok na ekonomiya ng Pilipinas. Mismo!