Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG si Yassi Pressman ang tatanungin ay ‘di pa raw nito kaya manirahan sa lalawigan ng Siargao.
Tunay naman na inenjoy ni Yassi ang kanyang pag-stay sa Siargao. Naikot naman nito ang kabuhuan ng Isla at talagang gandang ganda ito sa lugar.
Kasabay ng kanyang pagbabakasyon sa nasabing lalawigan, sinamantala na rin nito ang pag-aaral ng surfing at pagdalaw sa kaibigan na si Andi Eigenmann na matagal nang nakatira sa Siargao.
At may inamin naman ito regarding sa pagse-surfing.
As in, nahirapan daw siya na pag-aralan ang pagse-surfing bukod sa mahirap ay nagkaroon pa ito ng surburn.
Pero talaga nga raw nag-enjoy si Yassi sa pag-stay sa Siargao.
Inulit nito na ‘di pa niya kakayanin ang manirahan sa nasabing probinsiya. Pero mag-stay ng ilang buwan ay okey lang or kung doon mag= lock in taping ay okey pa rin kay Yassi.
Bumilib nga siya sa friend na si Andi at doon na naninirahan at understanding naman ‘yun dahil noon pa gusto ng kaibigan na manirahan malayo sa siyudad.
Kahit nga ang ina nitong si Jaklyn Jose ay bilib sa anak.
***
CARLA HINANGAAN ANG WEDDING GOWN NA BINILI SA TATE
KAYA naman pala amazed ang lahat ng bisita sa kasalan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil sa ganda ng wedding gown ng aktres.
Buti na nga lang daw at pinayagan siya ng kanyang bossing sa GMA para makalipad.
Tatlong beses nagpaalam si Carla para makabili ng wedding gown sa U.S.. Dahilan naman ng network kung bakit di nila pinayagan ang Kapuso actress dahil na rin sa banta ng Covid-19.
Naiyak naman si Carla nang payagan na ng kanyang home network kaya naman todo gayak kasama ang inang si Rea Reyes.
Dumaan daw sila sa health protocols bago pa man nakalabas at nakapasok ng bansa.
At finally ang dream wedding gown ay nabili sa kilalang designer doon dagdag pa ang pagbili ng shoes.
Kaya resulta, ayon mangha ang lahat ng dumalo sa kasal nina Carla at Tom noong October 23 2021 sa San Juan, Batangas. Sa ganda ng bride at guwapo ng groom hinatid nina Rey PJ Abellana at Rea Reyes ang kanilang anak na si Carla.
Flashback 2014 ng maging magdyowa nang magsama sa serye na My Husband’s Lover sina Tom at Carla at 2020 naging engaged at this 2021 legal na silang mag-asawa.
Congratulations! Well, well, well…’Yun na!