Advertisers

Advertisers

ABANGAN SI INTON SA KYUSI COUNCIL SESSION

0 345

Advertisers

NOONG incumbent pa si Quezon City District 4 ex-Councilor Atty. Ariel Inton, buhay na buhay ang sigla ng Konseho partikular sa bawat session dahil siya lang naman ang Majority Floor Leader sa naturang Kabiserang Lungsod noon ng bansa.

Napakataas ng antas at standard ng debatehan, balitaktakan at patalasan ng wido sa bawat mga batas at ordinansang ipinapasa at tinatalakay na bagama’t mainit ang palitan ng bawat Konsehal ng lahat ng distrito ay maayos at produktibo itong naisasabatas upang iimplementa ang karapat-dapat habang naibabasura ang mga isyung may pansariling interes ng iilan kaya ang panalo ay ang mga konstituwente ng mga distrito ng Kyusi.

Ang estilo ng session sa Quezon City ay balitado sa lahat ng Konsehong pang-lungsod at pang-bayan sa buong kapuluan-katunayan ay dinarayo sila ng mga councilors mula norte hanggang sur upang saksihan ang mahusay at produktibong session sa timon ni Majority Floor Leader Inton.



Naging role model ang QC session hall at mismong ang korner na ito ay saksi kung paano mapuno ang galeriya upang saksihan kung paano napaka-propesyunal ang mga Konsehal na walang isa man ang bumutas ng kanilang bangko dahil lahat ay partisipante sa baliktaktakan.

Noong nakaraang filing ng CoC sa Comelec QC, nakadaupang- palad muli ng Uppercut ang ilang mga familiar faces sa City Hall na sumaksi sa mga aspiranteng maging at reeleksyunistang lokal na opisyales ng lungsod at kanyang ikinatuwa na muling tatakbo sa Cuatro Distrito si dating MFL Inton.

Sabi niya, ang pagbabalik ni Inton ay magdudulot ng panibagong sigla sa sesyon dahil tiyak namang iboboto siyang muli ng lahat ng napagsilbihan niyang consituents noon na nag-aantay ng pagluklok muli ni Inton lalo kung siya uli ang titimon sa sesyon depende sa sitwasyon. Abangan si INTON!!

FYI: Si dating Quezon City Councilor -Majority Floor Leader Inton ay isang taal na sportsman na siyang nagtatag ng Inton Sports Advocate sa basketball , football at iba pang Olympic Sports bukod sa husay niya bilang public servant. Naging Board Member ng LTFRB at ngayon ay namumuno sa kanyang adbokasiys para sa komunidad ng transportasyon.

Di lang taga Kyusi ang kanyang napagsisilbihan kundi ang buong bayang motorista at komyuter. MABUHAY ATTY .ARIEL!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">