Advertisers
Simula nang nanalasa ang COVID-19 PANDEMIC ay nabago ang sistema ng pamumuhay ng tao at tila nakasanayan din ang pamamalagi sa bahay ng pami-pamilya bilang pag-iingat laban sa virus; subalit, namayagpag din ang FAKE NEWS sa SOCIAL MEDIA na lalong nagpagulo sa pananaw ng mga tao.
Kaya naman, ang mga GOVERNMENT OFFICIAL partikular na ang mga HEALTH OFFICIAL ay halos nanggagalaite sa mga sektor na bumabatikos sa mga inilulunsad na pagbabakuna para pang-proteksiyon laban sa COVID-19.
Kung aanalisahin, ay masasabing pinagmamalasakitan nga ng mga HEALTH OFFICIAL ang kalusugan ng mamamayan.., yun nga lang nagulantang na lamang ang buong mamamayan nang madiskubreng minanipula ng ilang maiimpluwensiyang personalidad sa pagnenegosyo ang pandemya ng COVID-19.
Ang masaklap.., FAKE NEWS daw ang iniaakusa laban sa mga maiimpluwensiyang personalidad at ang masaklap pa ay tila sinisimot ang pondo ng PHILHEALTH dahil lahat ng mga nagiging pasyente lalo na sa mga namatay sa ospital ay idinedeklarang COVID ang sakit o ikinamatay.., kasi, malaki ang nasisingil ng mga ospital sa PHILHEALTH pero FAKE NEWS daw at sinasabihan pa ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na huwag ipamalita ang mga gayong pangyayari at sa halip ay makipagtulungan ang lahat sa pagkumbinsing magpabakuna ang lahat.
May naging pagbabalita na matapos ang ikalawang beses sa mga nagpabakuna ay mayroong mga namatay makalipas ang ilang araw.., pero FAKE NEWS daw at hinde ang COVID VACCINES ang ikinasawi ng mga nagpabakuna.
Noong pasimulan ang pagbabakuna rito sa ating bansa nitong Narso ngayong taon ay ideneklara ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na SAFE at EFFECTIVE ang mga COVID VACCINE.., pero nitong nakaraang August 21 ay naglabas ng PUBLIC ADVISORY ang DOH na ang lahat ng nakipagpartisipa sa pagpapabakuna ay oobsterbahan sa loob ng isang taon hanggang 2 taon. Oobserbahan pa pala e bakit sinasabi ng DOH na SAFE at EFFECTIVE ang mga pambakuna gayong oobserbahan pa pala kung ano ang magiging epekto sa tao.., FAKE NEWS pa pala.., este, MISINFORMATION pala ang iniaanunsiyo para lamang mahikayat ang lahat na magpabakuna.
Dapat, bago pinasimulan ang pagbabakuna ay nilinaw sana ng DOH na CLINICAL TRIALS o HUMAN TRIALS pa lamang ang gagawin sa pagbabakuna para malaman kung ano-anong brand ng mga bakuna ang papasa at idedeklara ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) na SAFE at EFFECTIVE para sa kalusugan ng mga tao.
Sa mapanuring kaisipan ay huwag munang idedeklarang SAFE at EFFECTIVE ang mga pambakuna, dahil mismong mga umimbento ng COVID VACCINES ay hinde pa nila ginagamit o ipinanturok sa sarili nilang mga katawan. Mula nang magkaroon ng COVID VACCINES ay wala pang naibalita lalo na sa TV NEWS na mga SCIENTIST ng SINOVAC, PFIZER, MODERNA at iba pa ang nagturok na.., dahil hinde pa PROVEN ang kanilang mga naimbentong COVID VACCINES.
Sa panahon natin ngayon, lalo na ang nalalapit na eleksiyon ay sandamakmak ang SOCIAL MEDIA TROLLS na nagpapakalat ng FAKE NEWS o mga maling impormasyon ang ipinamamalita; pero, hinde lang TROLLS ang gumagawa sa pagpapakalat ng maling impormasyon.., dahil, nasa HUMAN TRIALS pa lamang ang mga pambakuna ay idinedeklara agad na SAFE at EFFECTIVE.
Hinde pa natatapos ang OBSEVATION PERIOD na 2 taon sa kung ano ang magiging epekto sa mga nagpabakuna batay sa inilabas na PUBLIC ADVISORY ng DOH.., ika nga, huwag po nating uinahan sa pagdedeklarang epektibo ang mga pambakuna gayong nasa HUMAN TRIALS STAGE pa lamang at sa halip ay hintayin nating matapos ang 2-years OBSERVATIONS.., na hinde marapat na puwersahin ang mga ayaw magpabakuna.., irespeto natin ang kanilang kagustuhan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.