Advertisers
INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission Board ang special incentives na nagkakahalaga ng P750,000 (Php 500,000 sa gold at P250,000 sa silver) para kay Carlos Edriel Yulo matapos masungkit ang dalawang medalya sa 2021 World Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Kitakyushu General Gymnasium, Kitakyushu, Japan.
Si Yulo ang kauna-unahang Filipino multi-awarded gymnast sa nasabing tournament matapos masungkit ang gold medal sa men’s vault sa iskor na 14.916 points na sinundan ni Japanese Yonekura Hidenobu na may 14.866 points. Naibulsa rin ni Yulo ang silver medal sa men’s parallel bars.
Ipinaliwanag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na ang provisions at technical conditions ng Republic Act no. 10699 na mas kilala sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act ay hindi sakop ang taunang ginaganap na world competition ng gymnastics.
Pero sa kabila nito, kinikilala ng sports agency ang kahalagahan ng panalo ni Yulo at inaprubahan nito ang insentibo.
Binati ni Ramirez at pinasalamatan si Yulo dahil sa kanyang makasaysayang panalo at sinabing nakabawi ito at pinatuyan na siya pa rin ang world champion sa gymnastics.
Hindi naman naidepensa ni Yulo ang kanyang titulo sa men’s floor exercise finals pero kumuha ito ng medalya sa ibang events.
Noong 2019, binigyan din ng PSC si Caloy ng P500,000 bilang incentives sa pagsungkit ng maraming medals sa Southeast Asian Games at P500,000 sa medalyang nakuha nito sa qualifying events ng Tokyo Olympics.
“Every incentive that he receives is well-deserved. By sheer will and determination, Caloy has created his own niche in the halls of Philippine Sports history. Caloy is truly an inspiration to our youth and Filipino athletes,” Wika ni Ramirez.