National Task Force against COVID-19, hinamon ni Mayor Isko na kasuhan ang mga opisyal ng DENR sa Dolomite Beach
Advertisers
HINAMON ni Manila Mayor Isko Moreno ang National Task Force against COVID-19 na kasuhan ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito ay dahil sa pagbubukas ng DENR sa Dolomite Beach sa Manila Baywalk dahilan para dumugin ng mmga tao at maging super spreader event ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, nakadidismaya na sila pa ang nagpapatupad, sila rin ang lumalabag sa mga sariling polisiya.
Hindi na kasi aniya nasunod ang physical distancing sa Dolomite Beach dahil sa dami ng tao.
Bukod dito, pinayagan ding makapasok ang mga bata na nag-eedad 12 anyos pababa.
Ayon kay Mayor Isko, kung hindi kaya ng NTF na kasuhan ang mga kapwa opisyal sa national government, wala nang saysay para ipatupad ang mga polisiya sa mga ordinaryong tao.
Matatandaang libo libong tao ang dumagsa sa Dolomite Beach noong nakaraang weekend.
***
Samantala sarado muna sa publiko ang Dolomite Beach sa Manila Bay sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ito ay para sa paggunita ng Undas o All Saints’ at All Souls’ Dat.
Kasabay nito, ipinagbabawal na ng DENR na makapasok sa Dolomite Beach ang mga bat ana nag-eedad 12 anyos pababa.
Ito ay base na rin sa itinakdang guidelines ng Inter-Agency Task Force para sa COVID-19.
Matatandaang dinumog ng mga tao ang Dolomite Beach matapos buksan sa publiko.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!