Advertisers

Advertisers

Walang katiyakan

0 310

Advertisers

HABANG hindi dumating ang Nobyiembre 15, ang huling araw na itinakda ng Comelec sa pagpalit sa mga nauna nang naghain ng kandidatura, wala pa katiyakan kung sino ang matitira sa talaan ng mga nagpahayag na tatakbo sa pangulohan.

Sinabi ni Bato dela Rosa na handa siya magpaubaya sakaling magpahayag si Sara, ang malditang anak ni Rodrigo Duterte, ng interes na lumaban. Batid namin na walang kakayahan si Bato dela Rosa na mamuno sa isang bansa na bahagi siya ng pagkasira. Maging ang tungkulin ng isang senador ay hindi niya kayang gampanan. Ang alam ni Bato at Bong Go ay gawin at sumunod sa kumpas ng tila bangag nilang amo.

Si Bato ay isa sa mga may kinakaharap na kaso sa ICC na inihain ni Sonny Trillanes at Gary Alejano tungkol sa malawakang patayan sa bansa kontra ilegal na droga. Kung dati ay binalewala nila ang kaso, ngayon ay tila sineseryuso nila ito. Sinabi ni Rodrigo Duterte na siya ang ituro kung natatakot si Bato. Halata na “PL” o palakas loob sa sarili. Tanda ng pagkatakot.



Lalo lumakas ang duda at usap-usapan na lalahok si Sara sa pangulohan o bise presidente nang magkita sila ni Bongbong Marcos sa Cebu. Kailangan nila manatili sa poder bilang panabla sa banta na uusigin sila sa mga malawakang korapsyon at patayang naganap sa ilalim ng barumbadong pangulo. Bagaman itinanggi ni Sara, halos walang naniniwala sa kanya. Alam namin na bahagi na naman ito ng panggagantso sa taongbayan.

Hindi namin makalimutan ang ginawa nila panlilinlang sa taongbayan nang itanggi ng pamilya na tatakbo ang tatay niya na isa rin sinungaling na sa kabila ng pagtanggi, kalaunan ay sumabak sa pangulohan bilang kapalit ng isang pakawalang mayor ng Pasay. Kalaunan si ‘mayor’ ay nabiyayaan ng posisyon na malapit sa kusina.

***

HINDI namin lubos maisip kung maipapanalo ng ingay ang isang pambansang halalan katulad ng sunod sunod na caravan ng mga “kakampink” ni VP Leni Robredo at walang habas na pagpukol ng mga pekeng balita ng kampo ni Bongbong Marcos sa social media.

Tila unli o walang ubos ang badyet sa mga troll ni Marcos. Hindi sila tinatablan ng hiya sa pagpapakalat ng maling balita. Bahagi ng kanilang itratiheya ang gamitin ng lubos ang social media upang manatili napag-uusapan ang pangalan Marcos–kahit walang katiting na katotohanan. Walang maipakita kridibilidad si Marcos. Ang tanging maipapakita niya ay ang magarbong headquarter nya sa EDSA. Isang malaking dagok sa kaniya ang pagpapangap na graduate siya ng prestehisyosong Oxford University.



Maaring makatulong ang pagtatalak at ingay. Ngunit hindi dapat ipasawalang-bahala ang Comelec kung saan naroon ang tunay na laban. Itanong nyo pa kay Dennis Uy.

***

Email:bootsfra@yahoo.com