Advertisers

Advertisers

Aiko out, Sheryl in, bilang kontrabida sa ‘Prima Donnas’

0 393

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NATAPOS na nga ang mga eksenang kinakailangan si Aiko Melendez para sa Book 2 ng “Prima Donnas”.

Kinakailangan na rin ni Aiko na umalis sa naturang serye dahil sa sasabak muli siya sa darating na eleksyon next year 2022.



Marami sana ang natuwa dahil sa pagpasok ni Sheryl Cruz sa naturang serye at higit sanang magiging madrama ang buhay ng mga Donnas na bukod kay Kendra ay may isang Sheryl pa ang magpapahirap sa mga bagets.

Pero sa ginawang hakbang ni Aiko ay malamang na si Sheryl na nga lang ang bagong kalbaryo ng makakapatid.

Sa pamamaalam ni Aiko sa cast at crews ng serye nila ay nauna nang nagbigay ang kanilang direktorang si Gina Alajar ng mensahe para sa aktres.

“We are so happy na magaang kang kasama. We are so happy dahil nakasundo mo ang lahat pati mga bata. We are so happy, when you’re on the set, you’re so magaan.

“When you’re on the set, wala kang reklamo. Truly, totoo ‘yan. Madali kang pakiusapan, madali ka namang sabihan na, ‘One more shot, one more shot’ and you’re willing to do that,” ang say ni direk Gina.



Dito na nga tumulo ang luha ni Aiko at mangiyak ngiyak na nagpaalam siya at nagbigay rin ng kanyang mensahe.

“First of all, I’d like to thank everyone from the cast down to the crew, and the director who I’ll miss so much. Because Gina became my mother here, especially when my father died, you were there for me,” malungkot na saad  ni Aiko.

***

JERIC RAVAL NAGSALITA NA SA PAGKAKASALI NG ANAK NA SI AJ SA ISYU NINA ALJUR AT KYLIE

LUMALIM na nang tuluyan ang kontrobersya sa hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Sa paglabas at pagbura ni Aljur ng kanyang ‘breaking silence’ post at sa pagsasalita naman ni Kylie sa programa ni Jessica Soho na ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ ay tuluyan na ngang napasok si AJ Raval sa hiwalayan blues nina Aljur at Kylie.

Maging ang mga magulang nina AJ at Kylie ay umeksena na rin bilang pagbibigay suporta sa kani-kanilang mga anak. Si AJ naman ay ‘nagpahinga’ na muna sa social media na nagiging toxic na para sa sexy young actress.

Ayaw man ng ama ni AJ na si Jeric Raval na umeksena sa love triangle dahil sa baka maakusahan na ginagamit ang isyu ng anak para sa pelikulang ginawa nila ni Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler ang ‘Barumbadings’, napilitan na rin magsalita  si Jeric para sa anak na dalaga.

“Kung minsan po iniisip ko kung magsasalita pa ba ako d’yan o hindi na, e. Kasi baka mali lang masabi ko mag-boomerang lang sa akin. Siguro mas maganda na lang po ’yong tahimik na lang po. Basta ang wish ko lang kina Aljur, e, sana maayos ’yong pamilya niya. Maayos sila mabuo pamilya nila,” say ni Jeric.

Okey lang kay Jeric na manligaw si Aljur sa anak pero hiling ng action star na sana ay ayusin na muna nito ang gusot na nangyari bago muling pumorma kay AJ.

“Basta lahat nasa ayos. Wala naman pong magiging problema.”