Advertisers

Advertisers

Kris nahanap na ang ‘forever’ sa ex-DILG Secretary

0 213

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MARAMING nagbunying kaibigan at followers ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post tungkol sa kanyang engagement sa  dating DILG secretary na si Mel Senen Sarmiento.

For months din kasi, low profile lang si Krissy at walang naiispluk tungkol sa  kanyang buhay-pag-ibig buhat nang maibunyag ang kanyang bagong inspirasyon sa katauhan ng former government official.



Sa kanyang naging pasabog sa latest post, sinabi niya na patuloy daw siyang ginagabayan ng kanyang brother na si former president  Noynoy Aquino dahil ito raw ang nagsilbing matchmaker sa kanila ng kanyang beau.

Hirit pa nito, marahil daw ay kagustuhan din ng kanyang kuyang maging matahimik na ang kanyang buhay kaya natuto naman siyang sundin ang wish nito na magpakapribado.

Nagpasalamat din siya kay Mel sa pagmamahal nito sa kanya  at sa kanyang mga anak na walang agenda whatsoever.

Dumating din daw ang kanyang fiancé sa panahong hindi niya inaasahan subalit nangyari raw ito in God’s perfect time.

Sa pag-aanunsyo naman niya na engaged na sila ng Mel, ready na raw siyang maging Mrs. Sarmiento.



Umani naman ng pagbati sa  celebrities at netizens ang kanyang naging pasabog.

Ito ang ilan sa kanilang naging komento:

Kim Chiu: “Wow!!!!! I was smiling the whole video!!!!❤️❤️❤️ so much love and happiness ate❤️❤️❤️ you deserve all the happiness in the world ate. ❤️❤️❤️ God really answers prayers in his own perfect time❤️ love you ate. 😘

Angel Locsin: “Ate❤️❤️❤️❤️”

Mariel Padilla: “Congratulations ate kris!!!!! Wish you nothing but the best!!! YOU DESERVE IT!!!! Love you forever ❤️”

Bea Alonzo: “congratulations ❤️”

Bumati rin sina K Brosas, Moira dela Torre, Darla Sauler at marami pang iba.

Happy din ang kanyang mga faney dahil nahanap na ng ex-presidential sister ang kanyang “forever.”