Advertisers
DUMATING na sa Subic bubble ang coaching staff ng powerhouse Davao Occidental Cocolife Tigers na kalahok sa bagong tatag na torneong Filipino Basketball League na sasambulat sa SBMA Gym.Subic sa Olongapo City.
Si dating Tigers deputy coach Matt Makalintal na pumalit kay dating champion coach Don Dulay na bumalik sa Estados Unidos sa personal na dahilan kasama sina assistant coach Manu Inigo at scouting coach Jose Presbiterio ay malugod na sinalubong nina asst.team manager Ray Alao , basketball operation head Bhong Baribar pati na ng buong puwersa ng Tigers na handa na sa bagong bakbakan sa FILBASKET simula sa Biyernes.
“Kumpleto na kami dito kaya ready na ang inyong Tigers sa giyera ng bagong liga” , wika ni Alao na nagpaabot ng pasasalamat kina Davao Occ. COCOLIFE Tigers team owner Gov. Claude Bautista, Congresswoman Claudine Bautista Lim, team manager Dinko Bautista sa suporta nina COCOLIFE president Atty.Jose Martin Loon. SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Feanz Joie Araque.
Unang makakalaban ng reigning MPBL Lakan Cup Champion Davao COCOLIFE ang mapanganib na AICC Basilan.(Danny Simon)