Advertisers

Advertisers

Pinay bugbog-sarado sa amo sa nawawalang gamit sa Saudi

0 230

Advertisers

PINAGBUBUGBOG ang isang Pinay domestic helper ng kanyang amo dahil sa nawawalang parte ng isang mixer sa Saudi Arabia.

Kinilala ang overses Filipino worker na si Aibelle Poniente.

Ayon kay Poniente, nangyari ang pambubugbog sa kanya Oktubre 23, nang mawala ang isang parte ng mixer ng kanyang amo na ginagamit nito sa pagbe-bake.



Sa galit daw ng kanyang amo na babae, pinagsisipa siya nito at hinampas pa ng isang pigurin.

“Nung binubugbog ako ni madam, nakikiusap ako na hindi ako makahinga pero patuloy parin siya na sinisipa ako,” saad ni Poniente.

Sa kabutihang-palad, tinulungan siya ng mga kapwa OFW at naiulat ang insidente sa Philippine Consulate sa Jeddah.

Desidido si Poniente na ituloy ang reklamo laban sa babaeng amo kahit pa sinubukan ng asawa nito na bayaran siya at makipag-areglo.

Nangako naman ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tutulungan ang Pinay pati na ang pag-uwi nito sa Pilipinas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">