Advertisers
NABIHAG ni Calvin “The Best” Abueva ang PBA Philippine Cup Best Player of the Conference award kasunod ng mahusay na performance para sa Hotshots.
Natanggap ni ni Abueva ang kanyang ikalawang career Best Player of the Conference award matapos makaipon ng 934 points.
Nanguna siya sa statistics na may 415 points, habang nakatanggap ng 440 mula sa media votes, 54 mula sa players at 25 mula sa PBA, ayon sa website ng liga.
Naungusan nya ang TNT prize rookie Mikey Williams (843 points) at Ian Sangalang teammate ni Abueva (591 points).
Ang talented Filipino- American Williams ay nalagay sa fourth sa statistics na may 389, at nakatanggap ng 245 points mula sa media votes, 59 mula sa players, at 150 mula sa PBA office.
Nasa karera rin sina NorthPorts Robert Bolick (447 points) at San Miguel Beer’s June Mar Fajardo (443 points)
Huling tumanggap si Abueva ng parehong parangal noong 2016 commissioners Cup habang naglalaro pa sa Alaska.