Advertisers

Advertisers

PRO3 chief Brig. Gen. Val de Leon, manok ni Mayor Sara sa pagka-CPNP

0 349

Advertisers

BULONG dito Bulong duon minsan sigawan pa at maraming espekulasyon kanya kanyang manok ito ang mga senaryo sa ngayon habang nalalapit ang pagretiro ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa darating na Nobyembre 13, lalo namang umiinit ang usap-usapan kung sino ang papalit sa kanya.

Isa sa maugong ngayon ay si Police Regional Office (PRO) 3 director Brig. Gen. Val de Leon na personal na manok umano ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Base sa nakalap na impormasyon ng Usapang HAUZ unang nakilala ni Inday Sara si De Leon noong Deputy Director for Operations pa lamang ito ng Police Regional Office 11. Ang ranggo noon ni Val ay colonel pa lamang at bilang dati ring hepe ng Davao City Police Office at Davao Oriental Police Provincial Office, si De Leon ang nanguna sa binuong Special Investigation Task Group nang pasabugin ang night market sa lungsod noong Setyembre 2, 2016 kung saan ay 15 katao ang namatay at 69 iba pa ang nasugatan.



Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ napahanga nito ang madla dahil naging naging masusi ang isinagawa nilang imbestigasyon, Dahil sa husay ding paghanap ng matitibay na ebidensiya, 11 suspect na miyembro ng terrorist group na Maute Group ang nahatulang guilty ng Taguig Regional Trial Court sa maramihang pagpatay at at multiple attempted murder.

MIyembro si De Leon ng Makatao Class of 1989 ng Philippine Military Academy (PMA). Kaklase nito ang kapwa contender sa pagka-CPNP na sina PNP Deputy Director for Operations Maj. Gen. Rhodel Sermonia at CIDG chief Brig. Gen. Albert Ferro. Isa pang umuugong na papalit kay Eleazar si NRCPO chief Brig. Gen. Vicente Danao na miyembro naman PMA Sambisig Class of 1991.

Kamakailan, ang PRO3 na pinamumunuan ni De Leon ang tumanggap ng Best Police Regional Office sa buong Pilipinas dahil sa hindi matawarang accomplishments ng heneral na dati ring aide-de-camp ni ret. CIDG chief at ngayo’y Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Ilan naman sa pinakamalaking accomplishments ng grupo ni De Leon ay nang mapatay ang apat na Chinese drug lords Zambales kung saan ay nakarekober ang mga awtoridad ng mahigit 500 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.5 billion.

Matapos ang matagumpay na operasyon noong Setyembre 7, taong kasalukuyan, sa Bgy. Libertador, Candelaria, Zambales, ay nagkaroon pa ng sunud-sunod na pagsalakay sa Bataan, Cavite at ilang kanugnog na lalawigan.



Katuwang ng PRO3 sa operasyong ito ang National Intelligene and Coordinating Agency at Philippine Drug Enforcement Agency na dahilan din upang personal silang papurihan ni Eleazar.

Si De Leon ang kauna-unahang naging heneral sa kanyang batch at kahit noong police major pa lamang ito ay nahirang na rin ang grupong pinamumunuan nito na Best Regional Mobile Group of the Year noong 2006 kung saan ay mismong ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pa ang nagbigay parangal sa kanya.

Taong 2016 ay mismong ang Pangulong Duterte ang sumaksi nang hirangin naman si De Leon biang Best Senior Police Commissioned Officer of the Year for Administration. Tumanggap din ito ng Gold Award mula sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa ginawang online at ‘no contact policy’ sa lahat ng nais mag-apply ng lisensiya ng baril. Sinasabing ito rin ang dahilan upang masawata ang red tape at corruption sa mga transaction sa PNP Firearms and Explosives Office.

Hindi rin basta basta matatawaran ang naging accomplishment ni Gen. De Leon kung kaya’t napahanga nito hindi lang ang Alkalde sa ngayon ng Davao City kundi maging ang Pangulo ng bansa, kaya daanin na lang natin sa kasabihan na “May the Best Man Win”