Advertisers

Advertisers

Tserman, empleyada sugatan sa ambush

0 513

Advertisers

Sugatan ang isang barangay chairman at kasama niyang empleyada ng barangay nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang salarin noong Martes ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktimang sina Punong Barangay Clemente Evan Basinillo, 49-anyos, binata; at Rowena Remo, 43, nakatalaga sa women’s desk ng barangay,

Ayon sa ulat, nakaupo sa hagdan sa harap ng Brgy. 179 sa kahabaan ng Saint Peter St., Maricaban, Pasay City ang mga biktima nang dumating ang magkaangkas na salarin sa motor at pinaputukan ang mga biktima 1:45, Oktubre 26 ng gabi.



Sinabi ni Southern Police District Director B/Gen. Jimili Macaraeg na narinig ng mga miyembro ng Sub-Station 7 ang sunod-sunod na putok kaya agad na rumesponde ang mga ito.

Nagtamo si Basinillo ng mga tama ng bala sa itaas na bahagi ng kanyang kaliwang hita at kanang braso samantalang tinamaan naman si Remo sa kaliwang binti at kanang hita.

Ayon kay Macaraeg, natagpuan sa lugar ng krimen ang walong cartridge case at apat na bala mula sa hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Iniimbestigahan pa ang motibo ng nasabing pana­nambang.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">