Advertisers

Advertisers

‘Hindi ko kayo bibiguin’: Isko

0 486

Advertisers

SIDECAR candidate lang daw sa simula ang kantiyaw noon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso pero ngayon, lumilitaw na siya ay hindi na ganoon kaliit, at saan nga ba nagsisimula ang mas malaki?

Sabi nga, sa isang maliit at mahinang hakbang, nagsisimula ang isang milya at ito ang nangyayari ngayon sa political party na Aksyon Demokratiko.

Bunga ng dalawang ulit na pagkabigo ni Sen. Raul Roco sa halalan sa pagka-pangulo noong halalan noong 1998 at 2004, matagal ding itong nanahimik.



Tila napaso nang sumali sa mainit na eleksiyon at nanatiling tagamasid na lamang ang partidong ito na itinayo ng yumaong Senador Roco at ang mga kasapi nito ay kung saan-saang partido sumapi.

Pero ngayong eleksiyong 2022, wala na ang pananahimik at walang imik: ang totoo’y bumalikwas at masiglang-masiglang kumikilos para sa dinamikong hangad na pagbabago ang Aksyon Demokratiko.

Mula nang ipuwestong pangulo si Yorme Isko ng Aksyon Demokratiko, mainit at masiglang kumakabig ito ng maraming tagatangkilik at patuloy ang pagbulas at paglago bilang isang malakas at mapagkakatiwalaang pambansang partido politikal sa bansa.

Nangyayari ito ngayon mula nang pasimunuan ni Isko ang partido sa kanyang kandidatura bilang pangulo, at may pagmamalaking isinisigaw ng 4000 bagong miyembro ang maningning na krusada ng pagkakaisa, pagbibigkis at paglakas ng Pilipinas sa 2022.

Sa sigaw na Bilis-Kilos, hindi ‘sidecar candidate’ si Isko, kungdi maaasahang expertong kapitan at piloto ng ‘Isang Bangka, Isang Bansa’ na ang banal na pangako ay “‘Wag na tayong mag-aalala pa, pagkat sa daluyong ng alon at bagyo, maitatawid nang matiwasay sa pantalan ang barko ng nagkakaisang Pilipino.”



Habang nalalapit ang araw ng halalan, lumalaki nang lumalaki, lumalakas nang lumalakas, bumubulas nang bumubulas, lumalawak nang lumalawak ang mga kasapi at tagatangkilik ng Aksyon Demokratiko sa pagtitiwala sa kakayahan, kasanayan at katapatan sa paglilingkod ni Yorme Isko.

“Hindi ko kayo pababayaan, hindi ko kayo bibiguin, hindi tayo mabibigo,” sabi ni Yorme Kois sa lumalakas na kumpiyansa ng tagumpay sa halalan sa panguluhan sa 2022.

Mga batang David ang mga kasapi ng Aksyon Demokratiko na nagpabagsak sa mga Goliat ng lokal na politika.

‘Yan ang ginawa ni Isko sa Maynila, at ni Pasig Mayor Vico Sotto sa nakaraang eleksiyon ng 2019, at ngayon, siya ang tumatayong executive vice president ng partido.

Marami ang gulat na gulat at manghang-mangha sa mabilis na pagbulas ng Aksyon Demokratiko mula nang pangunahan ito ni Yorme Isko nitong Agosto.

Sidecar lang ito noon, pero ngayon mahabang caravan hindi na ito ngayon ng maraming sasakyang de gulong: kariton, bisekleta, kuliglig, kotse, motor, van, trak, at tren mga kasapi mula sa grupo ng mga abogado, karaniwang obrero, mga samahang sibiko, mga propesyonal at iba-ibang sektor ng nagkakaisang Pilipino.

Hindi bibiguin ng Aksyong Demokratiko ang sambayanang Pilipino sa sama-sama at kapit-bisig na pagtakbo sa bagong milenyo ng pagbabago sa pamumuno ng batang Manilenyong si Isko Moreno.

***

Tinawag ni Yorme Isko ang pansin ng gobyerno na unahin ang pagkuha ng iba pang gamot laban sa virus tulad ng Remdesivir at Tocilizumab.

Wika ni Isko, mas gusto niya ang gamot tulad ng Molnupiravir, Remdesivir at Tocilizumab kaysa face shields.

“So, kung ito yung mga bagay na makabubuhay sa tao, makapagdudugtong ng buhay ng tao, then I will not spend P4 billion for face shields. That’s P4 billion put to waste, wala namang science,” sabi ni Yorme.

Mas mura nga naman kasi ang Molnupiravir na P87.50 bawat kapsula kaysa halaga ng Remdesivir at Tocilixumab.

Ayon kay Yorme Isko, sa oras na mabigyang permiso ang paggamit ng Molnupiravir, dalawang kapsula nito sa isang araw sa loob ng limang araw ang ipaiinom sa mga pasyenteng may bahagyang sintomas ng virus para sa mga pasyente sa pitong publikong ospital ng Maynila.

Pero kailangang hintayin muna ang paglalabas ng special permit na ibibigay ng FDA bago ito ipainom sa mga pasyente.

***

Sabi naman ni Dr. James Albert Flores, pulmonologist ng Sta. Ana Hospital, kailangang nang kumilos nang mabilis ang gobyerno sa pagkuha ng mga bakunang kontra COVID-19 at iba pang gamot laban sa mga sakit.

Aniya, laging nahuhuli ang Pilipinas sa pagkuha ng mga bakuna laban sa COVID.

Ang iba, kahit wala pa ang special permit ay nauuna nang umoorder ng gamot para sa kanilang mga mamamayan.

Kaya ang nangyayari, “noong na-aprubahan na, ginagamit na nila agad,” sabi ni Flores.

Pero iginiit ng DOH na kailangan muna nilang hintayin na makuha ang EUA ng US FDA bago kumuha ng abiso sa pagbili ang gobyerno.

Nagkakaisa ang mga experto na pinakamabisa pa rin ang bakuna laban sa pandemyang COVID-19.

“Kaya kami sa Maynila ay pursigido sa vaccination campaign at ang mga 12-17 year old na Manilenyo ay binabakunahan na namin para sa kanilang kaligtasan,” sabi ni Yorme Isko.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.