Advertisers
Mungkahi ng isang transport and commuter safety advocate na dapat ipa-alam sa publiko ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang posisyon ukol sa pamamayagpag ng oil smuggling.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, ang oil smuggling ang pangunahing dahilan kaya tumataas ang presyon ng mga produktong-petrolyo.
Ibinahagi nito na ang pinakagarapal na ginagawa ng oil importers, mula sa tanker vessels sa laot ay ililipat nila sa barges ang mga inangkat na produktong-petrolyo bago itatago sa mga isla.
Dagdag pa niya, may mga produktong-petrolyo na naipapasok sa bansa sa pamamagitan ng ‘misdeclaration’ sa Bureau of Customs.
Kayat diin ni Inton dapat ay bantayan ng Department of Finance at Customs Bureau ang pag-aangkat ng mga produktong-petrolyo at langis dahil nakakakolekta sa mga ito ng P131 billion excise tax, bukod pa sa ibang mga buwis.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!