Advertisers
NAHABLUTAN ng bag at nakaladkad pa ng dalawang snatchers na magkaangkas sa motorsiklo ang isang babae sa Sampaloc, Maynila.
Sa ulat, naglalakad ang biktima nang dumaan ang riding-in-tandem na snatchers at hablutin ang bag nito.
Muntik pang masagasaan ng kotse ang babae at nagtamo rin ng sugat.
Nahuli naman ang mga isnatser sa isang checkpoint nitong Linggo dahil walang helmet at plaka ang motorsiklo.
Nakuha rin sa mga ito ang bag ng biktima, ngunit wala na ang kanyang pera at cellphone.