Advertisers

Advertisers

Kahit preggy na… Jennylyn tuloy ang serye kapareha si Xian; Kylie aprub sa bf na si Jake ang love scenes sa bagong movie

0 354

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING nagulat at natuwa nang ianunsyo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang planong pagpapakasal.

Sa programang ’24 Oras’ ay ipinalabas ang ginawang video ng marriage proposal ni Dennis sa nobyang si Jennylyn. At kasabay sa anunsyong ito ay inamin din ni Jennylyn na buntis siya at naramdaman ang mga senyales ng pagbubuntis habang nasa kainitan ng lock-in taping ng bagong serye niya sa Siyete kasama si Xian Lim, ang ‘Love, Die, Repeat’ na bigla siyang nahilo at hinimatay at dali-daling isinugod sa ospital.



Ngayon na maliwanag na sa lahat ang health condition ni Jen, naging katanungan naman ay kung ano na ang mangyayari sa hindi natapos na lock-in taping ng serye nila ni Xian? Tuloy pa ba ito o papalitan na lang si Jen sa naturang serye?

Ani Jen, nasabihan naman daw siya ng GMA management na tuloy pa rin ang taping ng serye nila ni Xian at siya pa rin ang leading lady. Kaya sa pamamagitan ng  sariling socmed account ay pinarating ni Jennylyn ang pasasalamat sa kanyang GMA Family.

“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish “Love, Die, Repeat” next year once I am ready to work again. Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show.

“I love my GMA family, from the moment I started as an actress na-feel ko na hindi lang ako artista sa network kungdi parte ng pamilya nila.”

***



MATAPOS ang matagumpay at kapuri-puring pagganap ni Kylie Versoza sa kanyang kauna-unahang title role movie na “The Housemaid” ay agad itong nasundan ng isa pang mas madrama at mas sexy movie na “My Husband, My Lover”. Say nga ni Kylie,  hamak na mas demanding ang role niya sa  bagong movie dahil dalawa ang kanyang leading man at pareho siyang may daring love scenes kina Marco Gumabao at Adrian Alandy.

Aminado si Kylie na hindi agad basta niya natanggap ang movie nang unang i-offer ito sa kanya. Sa dami kasi ng gagawin niyang daring scenes ay inabot ng kaba si Kylie kung makakaya niya itong gawin.

“I had to think twice kung tatanggapin ko ito because of the requirements of the role. I won’t accept kasi any project that will just sell sex. I had a long talk muna with Direk Mac Alejandre and he explained to me na may justification naman yung character that I will play as she wants to break the usual norms of society.

“What convinced me was when Direk Mac said na for him, sex is something very sacred so he won’t just do an exploitative film. I felt I can trust him as a director kasi very clear ang intentions niya about the film,” say ni Kylie.

Bukod sa direktor ay kinausap din ni Kylie ang kanyang boypren na si Jake Cuenca kung tatanggapin ba niya ang alok o hindi.

“I informed him about my role, kasi yung karakter ko sa movie, palaban sa bed scenes. I’m just very lucky to have a supportive boyfriend who is a very professional actor and understands my work,” dagdag na say ni Kylie.